Fifth, Chai, Nicco, Mela at Ria susubukin ang pagiging millennial
Madalas na napagsasabihan ng matatanda ang mga millennial. Sila raw ay tamad, nagmamarunong at mayayabang, kumpara sa mga naunang henerasyon.
Kung hindi sila nagpapahayag ng kanilang opinyon sa online, kadalasan silang makikita na nagsusulat naman ng mahahabang salita tungkol sa kanilang nararamdaman para ipangalandakan sa lahat.
Kilala sila sa pagiging palipa-lipat ng trabaho dahil mabilis silang mahirapan at ma-offend.
Masyado nga kaya silang optimistic at mulat sa mundo?
Tunghayan ang dark comedy original series ng iWant na Manilennials kung saan ipapakita ang mga challenge at social issues na nararanasan araw-araw ng isang millennial.
Tampok sina Fifth Solomon bilang Kiko, Chai Fonacier bilang Yeye, Nicco Manalo bilang Art, Mela Habijan bilang Ruth at Ria Atayde bilang Missy sa nasabing serye.
Kuwento ito ng limang magkakaibigan na susubukang abutin ang mga pangarap sa kabila ng hirap ng buhay sa Manila.
Mula sa panulat at direksyon ng Millennials For Millennials at produced ng all-millennial team, abangan ang Manilennials na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood sa iWant.
Dennis at Barbie nag-krus ng landas
Maaksyon ang episode ngayong Linggo ng kinagigiliwan ninyong weekly magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko.
Abangan sina Dennis Trillo at Barbie Forteza sa mysterious werewolf story na Ilalim ng Buwan.
Ano kaya ang mangyayari kapag nag-krus ang landas ng mga werewolves na sina Santi (Dennis) at Luna (Lexi Gonzales) at ang tao na si Kayla (Barbie)?
Nagtatakbuhan sa kagubatan ang mag-inang sina Kayla at Diana dahil hinahabol sila ng itim na lobo. Muntikan na nitong atakihin si Kayla kaya naman binaril ito ni Diana, kaya nga lang, nang umiwas ang itim na lobo ay si Diana naman ang namatay. Sunod na sana nitong papatayin si Kayla nang biglang dumating ang isang gray na lobo.
Napag-alaman na magkapatid pala ang mga lobo na sina Santi (grey) and Luna (black). Nagiging lobo sila sa gabi at tao naman pagdating sa umaga. Ano kaya ang susunod na mangyayari?
Makakasama rin nila sa magical story na ito sina Kelvin Miranda at Nar Cabico.
Tumutok sa exciting at kapupulutang episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo pagkatapos ng Amazing Earth.
Muling mapapanood sa programa si Ms. Gloria Romero na matagal namahinga matapos ma-hospital dahil sa sakit na vertigo.
Balitang mag-a-adjust ang staff ng programa sa schedule ni tita Gloria para hindi na ito mahirapan sa taping.
Waley nang pag-asa kay James Nancy hinahanapan ng ka-loveteam?!
Wala pang official na confirmation, pero balitang hindi na tuloy ang pagtatambalang series nina James Reid and Nancy of Momoland sa ABS-CBN.
Nag-backout daw si James ayon sa isang source.
Anyway, nag-umpisa na sa pagiging kapamilya ang Korean pop group na Momoland dahil bukod sa isang bagong album na lalabas ngayong buwan, lalagare na rin sila sa iba’t ibang Kapamilya shows.
Nauna na silang nag-perform sa ABS-CBN Christmas special sa Araneta Coliseum at ito ang unang pagkakataong nagtanghal ang isang K-pop group sa inaabangang taunang pagtitipon ng Kapamilya stars.
Ngayong January ay inaasahang iikot sila sa mga programang Gandang Gabi Vice, Tonight with Boy Abunda, pati na rin sa MYX Channel.
Dapat din daw abangan ng kanilang fans ang paglabas nila sa Metro Magazine.
Last October nang nagsanib-puwersa ang ABS-CBN at management company na MLD Entertainment upang magkasamang subaybayan ang karera ng Korean idols sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang contract signing at dun nga inanunsyo na bibida ang lead vocalist ng grupo na si Nancy Jewel Mcdonie sa isang teleseryeng pinamagatang The Soulmate Project, na ipo-produce ng Dreamscape Entertainment at Proj 8.
Ang siste, hindi pa raw nag-uumpisa, nagkaka-problema na kaya naghahanap na ng papalit kay James at ipa-partner kay Nancy.
- Latest