Mister hindi na rin umiinom ng alak Coleen nagsalita sa pagiging unhappy kay Billy
Aminado si Coleen Garcia na ibang-ibang tao na ngayon ang husband niyang si Billy Crawford.
“Very reasonable na, level headed na siya. Hindi na siya nag-a-outbrust kagaya ng dati,” sabay tawa ng actress sa adjustment ni Billy after their marriage last 2018 nang tumigil ito sa pag-inom ng alak more than a year ago.
Sinagot din ni Coleen ang issue na unhappy ang aura niya lately na napuna ng isang netizen na sinagot naman ni Billy.
“Maybe because they don’t see me often anymore. Ang hirap din yung hindi nag-a-update.
“ I just feel like, I really needed this time of silence for myself, and I really needed to take a step back and reassess everything in my life,” dagdag niya kahapon after the presscon of her latest movie, Mia, with EA Guzman.
Pero hindi naman daw talaga ‘yun totoo, paniniyak niya. “Si Billy kasi mapatol ‘yun eh, na ok din naman para malaman din natin na hindi totoo na malungkot ako.
“Mukha ba akong malungkot,” dagdag niya pa.
Maalala ngang may netizen na nag-comment sa post ni Billy na “You definitely know you’re getting old where there’s no booze but great family discussions. Lol Blessed to have the SoulBrothers in my life! Merry Christmas, love you all to death!”
Ang payat daw ni Billy sa nasabing photo habang si Coleen ay unhappy ang hitsura.
Samantala, lahat ng mga tinanggap niyang role sa pelikula ay kailangang may approval ni Billy.
Like dito sa Mia nila ni Edgar Allan na nang basahin pa raw ni Billy ang script ay nagustuhan ito kaya nag-volunteer na magkaroon ng cameo role sa pelikula na first local film na ipalalabas ngayong 2020.
Kakaiba ang kuwento ng movie na dinirek ng award winning director na si Ms. Veronica Velasco.
Gaganap siyang ‘doktor’ sa kuwento habang forester si EA at sa isang mining area sa Palawan pa sila nag-shooting.
So far ang gaganda ng mga comment sa trailer ng Mia since i-release ito last November. In fact, sa kasalukuyan, almost six million na ang organic views nito sa Facebook habang more than half a million sa YouTube.
At ang karamihang comment, Korean film ang level ng Mia.
Kaya naman excited sina Coleen and EA sa movie na last year pa natapos pero naghanap ang producer nitong si Chris Cahilig and Viva Films ng perfect playdate na walang kasabay na malalaking Hollywood at ito nga at na-solo nila ang January 15 playdate.
After Mia ay tuloy na ang horror film niya with Viva Films pero ayaw pa ni Coleen na i-reveal ang ibang details tungkol sa kanyang first project matapos lumipat sa Viva.
Sa ngayon ay wala muna sa plano nila ni Billy ang magka-baby pero kung ibibigay ng Diyos, tatanggapin nilang mag-asawa.
Radio GMA mamimigay ng mga papremyo
Mamimigay ng malalaking papremyo sa kanilang loyal listeners ang Radio GMA ngayong bagong taon sa pagbabalik ng nationwide proof-of-purchase (POP) promo na RGMA Pera Sorpresa!
Mula December 2 hanggang March 13, 2020, Bubunot ang Pera Sorpresa ng limang weekly winners ng P1,500 mula sa 15 RGMA Areas (Manila, Tuguegarao, Dagupan, Baguio, Lucena, Naga, Legazpi, Palawan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Kalibo, Davao, Cagayan de Oro, at General Santos).
Maaari pang manalo ng karagdagang P500 ang participant na may “Sorpresa Word of the Week” sa kanyang entry.
Maliban sa weekly winners, mayroon pang limang bonus prize winners na makakukuha ng P20,000 each habang labinlimang winners ang mananalo ng P10,000 each. Mayroon ding labinlimang mananalo ng P5,000.
At para sa grand prize, isang lucky winner ang mananalo ng tumataginting na 1 million pesos. Higit sa lahat, ang mga papremyo ay tax-free!
Para makasali, bumili lamang ng mga produkto sa alinmang participating sponsors at isulat ang pangalan, edad, address, contact number, ang “Sorpresa Word of the Week” at pirma sa isang papel kasama ang alinman sa mga required proof-of-purchase sa loob ng isang puting envelope.
Ihulog ang entries sa designated drop boxes na makikita sa RGMA Stations o ipadala sa pamamagitan ng registered mail sa RGMA stations. Maaaring ihulog ang entries hanggang March 13, 2020.
- Latest