^

PSN Showbiz

Sunshine solong-solo ang gastos sa mga anak!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Sunshine solong-solo ang gastos sa mga anak!
Sunshine

Maliwanag na wala nang bisa ang naging kasal ni Sunshine Cruz sa kanyang da­ting asawa kaya dapat daw mag-asawa na uli siya para magkaroon na ulit ng baby.

Aminado naman si Sunshine na 40-years na siya, pero hindi pa naman masasabing ang edad na iyon ay mahihirapan na siyang magbuntis ulit.

“Mahaba pa naman ang panahon ko para magka-baby ulit,” ang nangi­ngiting sabi ni Sunshine.

Ang talaga raw dahilan, gusto niyang maihanda muna ang kinabukasan ng tatlo niyang mga anak bago isipin ang magkaroong muli ng panibagong pamilya.

“Siyempre ang hinahanap ko naman, hindi lang iyong mamahalin ako kung hindi iyong mamahalin din ang mga anak ko. It doesn’t mean na kung mag-aasawa na ako, bagong pamilya iyon at maiiwan sila. Kasama sila sa pamilya ano man ang mangyari.

“Pero ang gusto ko maihanda ko na muna ang kinabukasan nila, iyon bang may assurance ako na makakatapos sila ng kanilang pag-aaral at makapagsisimula man lang ng simpleng buhay on their own. Iyan ang inihahanda ko,” kuwento niya pa sa akin.

Ako rin naman kasi, na-realize ko na ang katotohanan na kung mayroon mang dapat na maghanda sa kinabukasan ng mga anak ko, ako na lang iyon. Wala naman akong maaasahang suporta galing kanino man.

“Siguro nga mas suwerte ako dahil mas maganda ang hanapbuhay ko ngayon. Siguro rin naman masuwerte ako dahil ang iniisip ko lang na kinabukasan ay iyong sa tatlong anak ko. Tatlo lang ang anak ko eh. Ang mahirap iyong marami kang anak, tapos hindi mo na masuportahan.

“Alam ko pagdating ng araw madadagdagan pa ang mga anak ko, pero gusto ko na bago mangyari iyon ay maihanda ko muna ang kinabukasan ng mga anak ko ngayon,” sabi ni Sunshine.

Coco at Vic nasabayan ng ‘malas’

Mukhang wala na ngang pag-asa na ang total gross ng festival ay umabot sa naging kita noong nakaraang taon. Ang sinasabi nila epekto raw iyan ng sunud-sunod na lindol sa Mindanao, ang dalawang magkasunod na bagyo, na Tisoy at Ursula na tumama naman sa Kabisayaan at sa Southern Luzon.

Pero bakit nga ba idina­damay hanggang Visayas at Mindanao eh ang concern lang naman nila dapat at iyong kikitain ng festival sa Metro Manila na siya lamang sakop ng kanilang teritoryo?

Ang pelikula ni Aga Muhlach ay kumita lamang ng 260 million, batay sa gross receipts na huling inilabas, maaaring umabot iyan ng 300 milyon. Ang maliwanag, bumaba ang expected gross ni Vice Ganda at ewan kung bakit, ang laki ng ibinagsak ng pelikula ni Coco Martin at Vic Sotto.

Maniniwala na ba ako sa ‘malas?’

MMFF kumpirmadong trade festival

Dapat iyang sinasabi nilang Summer Metro Manila Film Festival ay gawin nilang artistic film festival.

Ang MMFF kung December, aminin na natin ay isang trade festival. Hindi maaaring mangibabaw riyan ang mga nananalo ng awards. Kahit na ilang award pa iyan, balolang iyan sa takilya.

Pagdating ng Pasko ang may hawak ng ekonomiya ay ang masa at manonood sila kung anong pelikula ang gusto nila, siraan man iyon ng iba. Sabihin mo mang kopya. Sabihin mo mang walang kuwenta, basta iyon ang gusto nilang pano­orin, panonoorin nila.

Wala na kayong magagawa riyan kundi maghimutok na lang.

Napakasagwa naman noong Pasko at Bagong Taon tapos naghihimutok lang kayo dahil hindi kumikita ang pelikula ninyo?

SUNSHINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with