^

PSN Showbiz

MMFF judges umamin sa matagal na deliberation sa mga nanalo

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
MMFF judges umamin sa matagal na deliberation sa mga nanalo
Juday

Mga award umepekto, Mindanao ni Juday nadagdagan na ng sinehan

Si dating Congressman Karlo Nograles ang Chairman of the Board of Judges sa katatapos lang na Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival.

Co-chairman niya rito si Sen. Bong Go at Vice Chairman si Mr. Arsenio Lizaso.

Matitindi rin ang mga kasamahan niyang mga hurado kagaya nina MTRCB Chairperson Rachel Arenas, Cong. Vilma Santos, direk Joel Lamangan, direk Joey Reyes, Romy Vitug, Fr. Larry Faraon at Christopher de Leon.

Sen. Bong Go

Kaya karamihan namang obserbasyon ay agree sa mga napiling winner.

May mga ilang nagkukuwestiyon lalo na sa kategoryang Best Actor dahil marami ang humuhulang kay Aga Muhlach ito mapupunta.

Sabi nga ni Cong. Nograles, matagal daw ang deliberation nila sa kategoryang ito, at lumamang ang boto kay Allen Dizon ng Mindanao.

Nakapanayam ang da­ting Kongresista sa radio program ni Noel Ferrer at sinabi niyang nahirapan daw talaga sila rito sa pagpili ng winners dahil talagang mahigpit ang labanan, lalo na raw sa kategoryang Best Director at Best Picture.

“Like last year (based on the rules), I had to break a tie,” pakli niya na ayaw lang daw niyang sabihin kung aling kategorya ito.

Pero masaya raw sila sa resulta ng mga winners at nakakatuwa raw dahil lalong gumaganda ang kalidad ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Hindi pa rin muna naglalabas ng box-office results ang MMFF Execom pero halos ganun pa rin daw ang standing sa box-office ng walong pelikulang kalahok.

May ilang nagparating na naungusan na raw ng Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach ang The Mall The Merrier ni Vice Ganda, pero hindi pa ito kinumpirma ng MMFF Executive Committee.

Ang maganda lang daw nadagdagan na raw ng mahigit dalawampung sinehan ang Mindanao na ikinatuwa ni Judy Ann Santos.

Pagkatapos nitong MMFF ay iikot na raw sa ilang international film festivals ang Min­danao. Hindi lang masabi ni direk Brillante Mendoza kung saan sa Europe o sa Spain.

Pero inaasahang mapapansin doon ang naturang pelikula at malay natin baka mapansin na naman dito ang magaling na performance nina Judy Ann Santos at Allen Dizon.

Aktres at international celeb gwardyado ang relasyon

Nagulat ako sa kuwento ng aking reliable source na may namumuong

magandang relasyon na pala ngayon sa isang  magandang aktres na medyo nagpahinga muna sa pag-arte at isang Pinoy na international celebrity.

Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, kasama raw si magandang aktres ni Pinoy international celeb na dumating dito sa bansa para mag-perform sa isang malaking event na sinalihan ng ibang Asian countries.

Napansin nga namin sa IG account ni magandang aktres na may mga post siyang kuha roon sa malaking event na iyun.

Bukod pa diyan, napansin din silang dalawa sa isang bar na ang sweet at ang sexy raw silang nagsasayaw.

Guardiyado lang daw sila sa bar na iyun kaya walang nakapagkuha ng picture sa kanilang dalawa.

Ayaw lang magbigay ng detalye ang aming source at baka mahalata raw ng Pinoy international celeb na siya ang nagkuwento sa amin, dahil iilan lang naman sila ang nakakitang kasama nito si magandang aktres.

Curious lang ako kung knows na ng mader ni magandang aktres at kung aprubado ba sa kanya.

JUDY ANNE SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with