Ursula ramdam ang naging epekto sa MMFF
Sana nga maging maganda Salve ang resulta at kita ng 45th Metro Manila Film Festival na naapektuhan ni Typhoon Ursula dahil nagsara ang ibang mga sinehan sa Visayas.
Pero maganda ang balita na ngayon pa lang, inihahanda na ang pelikula na Magic Kingdom para sa Metro Manila Film Festival sa 2020.
Maaga ang paghahanda ni former Congressman Albee Benitez na magpo-produce ng Magic Kingdom dahil malaki ang tiwala niya kina Peque Gallaga at Lore Reyes, ang mga direktor ng original Magic Kingdom noong 1997.
Ang Alpha Kid One ang another movie na ginawa ng film outfit ni Papa Albee at pinagbibidahan ito na kanyang anak na si Javi Benitez.
Plano na isali sa Summer Film Festival sa April 2020 ang launching movie ni Javi kaya handang-handa na si Direk Richard Somes na ialay sa manonood ang kanilang pelikula.
Bongga ang mga project ni Papa Albee dahil para sa kanya, malawak ang market ng isang magandang project at good for showbiz na may bagong investor na tulad niya who is willing to spend and give a good product Welcome Papa Albee.
Mga nagwagi sa Gabi ng Parangal ng MMFF, very credible
Happy naman ang lahat sa resulta ng awards night ng 45th Metro Manila Film Festival. Medyo marami lang ang nagulat dahil hindi nanalo si Aga Muhlach at nag-wish sila na sana, kahit nag-tie na lang sila ni Allen Dizon sa best actor category.
Pero malaking bagay naman ang lakas sa takilya ng pelikula ni Aga, ang Miracle In Cell No.7 kaya compensated na rin ang pagod ng cast, production staff at producers ng pelikula na humahataw nang husto at hinuhulaan na magiging top-grosser sa Metro Manila Film Festival 2019.
Sana makatulong din ang panalo ni Judy Ann Santos at Allen para lumakas ang kanilang pelikula, ang Mindanao.
Nagulat naman ang lahat sa panalo nina Yeng Constantino at Joem Bascom na okey rin dahil nagpakita sila ng husay sa pagganap nila sa kanilang role.
Si Yeng ang best supporting actress at si Joem ang best supporting actor sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival na naganap noong Biyernes sa New Frontier Theater.
Very credible ang choices ng MMFF jurors kaya walang masyadong negative reactions o kontra sa choices. Congrats sa winners at congrats din kay Noel Ferrer dahil sa mahusay na presentation, from the Parade of Stars noong December 22 hanggang sa awards night noong December 27. Bongga siya.
Baka isali ni Alfred Vargas sa Summer Film Festival sa April 2020 ang Tagpuan, ang pelikula nila nina Iza Calzado at Shaina Magdayao na kinunan ang mga eksena sa Hongkong, Binondo at New York City.
May mga nakapanood na sa Tagpuan at ayon sa kanila, maganda ang pelikula at magagaling ang lahat ng mga artista.
Si Alfred ang bida at isa sa mga producer ng Tagpuan. Ipinagmamalaki ni Alfred na ang award-winning director na si Ricky Lee ang sumulat ng kuwento ng coming soon movie nila nina Iza at Shaina.
- Latest