Direk Brillante may reklamo
SEEN: As of presstime, ang M&M, The Mall, The Merrier, ang nanguna sa box office race ng 45th Metro Manila Film Festival na opisyal na nagsimula kahapon, December 25, na lead stars sina Vice Ganda at Anne Curtis.
SCENE: Nagpakita rin ng milagro sa box office ang Miracle in Cell No.7. Overwhelmed si Aga Muhlach dahil sa word of mouth na maganda ang pelikula niya. Dalawampu’t anim na taon na ang nakalilipas nang huling magkaroon si Aga ng kalahok sa MMFF.
SEEN: Wala nang sisipag pa kay Coco Martin dahil hanggang kahapon, nagpo-promote siya sa mga sinehan ng 3Pol Trobol. Nag-theater tour si Coco pero bilang Paloma, ang karakter na pinasikat niya sa Ang Probinsyano.
SCENE: Ang reklamo ng direktor na si Brillante Mendoza na nasira kahapon ang projector ng sinehan na pinagtatanghalan ng kanyang filmfest entry na Mindanao.
SEEN: Ang balita na ipu-pull out ngayon sa mga sinehan ang mga pelikula na kasali sa MMFF na walang nanonood. Business is business para sa theater owners na nagbabayad ng kuryente at may mga tauhan na pinasasahod.
SCENE: Nakaapekto sa nationwide theater showing ng 2019 MMFF entries ang Typhoon Ursula na nagdulot kahapon ng pagbuhos ng ulan. Maraming bata at matatanda ang hindi lumabas mula sa kanilang mga tahanan.
SEEN: Bumisita kahapon si Maine Mendoza sa apat na sinehan na pinagtatanghalan ng Mission Unstapabol: The Don Identity, ang heist comedy movie nila ni Vic Sotto.
SCENE: Ang mahabang pila ng mga tao sa harap ng Revilla mansion sa Bacoor, Cavite. Pinangunahan ni Senator Bong Revilla, Jr. ang pamamahagi ng aginaldo sa mga kababayan niya sa Cavite.
SEEN: Memorable para kay Bea Alonzo ang 2019 dahil dalawang lalake na dating minahal niya ang nawala sa kanyang buhay, sina Gerald Anderson at Miko Palanca.
- Latest