^

PSN Showbiz

Deborah nakalaya na

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Deborah nakalaya na
Deborah

SEEN: Binulabog kahapon nina AiAi Delas Alas, Coco Martin at Manila City Mayor Isko Moreno ang Maynila dahil sa sariling motorcade ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, isa sa mga official entry sa 45th Metro Manila Film Festival. Umikot sila sa major streets ng Maynila. May special participation si Isko sa pelikula.

SCENE: Nagulat si AiAi delas Alas sa pag-iikot nila kahapon sa Maynila dahil malinis na ito at bumabalik na ang dating kagandahan. Nangako naman si AiAi na gagawin nito ang lahat ng makakaya para makatulong na alisin sa Netflix ang The First Temptation of Christ, ang Brazilian movie na lumalapastangan kina Jesus Christ, Blessed Virgin Mary, sa Diyos Ama at sa ibang mga santo. 

SEEN: Marian devotee si AiAi delas Alas kaya napaiyak ito nang malaman niya na ipinahiwatig sa The First Temptation of Christ na humihithit ng marijuana si Blessed Virgin Mary. Wagas ang pagluha ni AiAi dahil hindi nito matanggap ang paglapastangan kay Virgin Mary ng mga producer at artista ng pelikula.

SCENE: Nakalaya na mula sa tatlong buwan na pagkakakulong ang character actress na si Deborah Sun pero hindi pa siya bumabalik sa condominium unit na pag-aari ni Ara Mina at pinatirhan sa kanya.

SEEN: Na-master na ni Vic Sotto ang dance steps ng Kapag Tumibok ang Puso, ang ‘90’s hit song ni Donna Cruz. Ginamit ang kanta ni Donna sa Mission Unstapabol: The Don Identity, ang pelikula ni Vic na official entry sa 45th MMFF.

SCENE: Ayon kay Maine Mendoza, isang heist movie ang Mission Unstapabol: The Don Identity at ginagampanan niya ang karakter ni Donna Cruz na kapangalan ng former singer-actress.

SEEN: Hindi na matutuloy ang participation ng aktres sa isang action movie dahil nagkaroon sila ng mga hindi pagkakaunawaan ng isang miyembro ng production staff.

DEBORAH SUN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with