^

PSN Showbiz

Karosa ng Mindanao kinarir ni direk Brillante

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Karosa ng Mindanao kinarir ni direk Brillante
Float ng Mindanao
Miguel De Guzman

Isa sa pinuri na karosa na nagparada sa Metro Manila Film Festival kahapon ay ang sa Mindanao nina Judy Ann Santos at Allen Dizon.

Bilang isa rin sa magaling na production designer, kinarir ni direk Brillante Mendoza ang float nito at siya talaga ang personal na nag-design at nag-ayos nito.

Sandaling nakatsikahan namin ang lead actor nito na si Allen Dizon sa nakaraang celebrity premiere ng naturang pelikula, tuwang-tuwa siya na pati sa MMFF ay nakapasok ang Mindanao.

Akala raw niya kasi sa mga international filmfests lang sila mamamayagpag, nakakatuwa raw na pati sa atin ay pasok din ang kanilang pelikula.

Sa totoo lang, ang ganitong pelikula ay mahirap minsan ma-appreciate dito sa atin, na mas gusto sa ibang bansa.

Pero pagkatapos namin mapanood ang Mindanao, tama rin naman si Judy Ann na dapat mapanood ng mga kababayan natin para lalo nilang malaman ang buhay ng mga kapatid nating Muslim.

Kaya sabi nga ni Judy Ann, sulit na sulit ang hirap niya sa pelikula, lalo na’t madalas na karga karga niya rito ang batang gumaganap na anak niya, na napakabigat daw.

Kaya nga kahit si Allen ay sobrang proud sa ginawa rito ni Judy Ann.

Lalo nang tinanggap daw niya ang Best Actress trophy ni Juday sa Cairo International Film Festival, sobrang natuwa raw siya at ipinagmamalaki raw niyang nakaakyat siya ng stage ng CIFF dahil sa award ni Judy Ann at pati kay direk Brillante Mendoza.

Medyo nalungkot daw siyang hindi ang award niya ang tinanggap sa naturang international film festival, pero nakaka-proud pa rin daw sa pagkapanalo nina Judy Ann at direk Brillante.

“Nakaka-proud talaga…si Judy Ann lalo na ang lakas ng impact sa Cairo Film Festival,” pakli ni Allen.

Kaya happy na rin daw siya na na-experience niya iyun, at ngayon pati ang sa MMFF na nakasali siya sa parada, mag-theater tour at pag-attend sa Gabi ng Parangal na gaganapin sa New Frontier Theater sa December 27.

Samantala, pagkatapos ng MMFF magiging abala na rin si Allen sa bagong venture niyang pag-produce ng isang series na pang-iWant TV, ang The Beauty Queens.

Isa si Allen sa producers nito kasama ang manager niya at line producer na rin na si Dennis Evangelista.

Kasali kasi rito ang anak niyang pang-beauty queen din na si Nelia Dizon.

Noon pa man ay sinasabihan na si Allen na bagay pang-beauty queen ang anak niya, pero nagustuhan din ng dalagita na mag-artista.

 “Gusto nila mag-artista, pero ayaw naman nilang i-give up ang pag-aaral nila.

“Gusto ko naman ibigay sa kanila ang experience na iyun. Para pag gusto na talaga nila mag-artista, at least may alam na sila,” pahayag ni Allen.

MMFF fake passes matagal nang problema 

Natuloy ang entrapment kamakalawa lang sa dalawang nagtitinda ng fake na Metro Manila Film Festival season pass na isinagawa ng Southern Metro Manila DFU at ang personnel ng Rapid Deployment Battallion Special Action Force kasama ang ilang miyembro ng MMDA.

HInuli sina Hanna Evangelista at Carlo Jaramilla ng Brgy. West Rembo, Makati, na kung saan nakumpiska sa kanila ang 200 na fake MMFF Complimentary tickets at 2,250 pesos as marked money.

Kaya kaagad na naglabas ng announcement ng spokesperson ng MMFF na si Noel Ferrer na mag-ingat sa mga fake Season pass ng MMFF na ibinebenta.

Nahuli na ang nagbebenta nito, na maaring meron pang ibang nakakalat na nagbebenta rin nito.

Sa totoo lang, matagal na itong pinu-problema ng Execom ng MMFF dahil meron talagang gumagawa ng fake passes.

Ang unang napagdudahan nga ay ang mismong gumagawa nito na baka nag-overprint, pero wala namang napatunayan.

Ito rin ang dahilan kung bakit late na iniri-release ang season pass dahil sa may time pa magpagawa ng fake nito.

Ang movie press nga kahapon lang ipinamigay sa parada ng MMFF para hindi agad kumalat at wala gaanong tsansang makapagpa-print pa ng fake passes nito.

Binabalaan din ang mga taong bumibili ng fake season pass na liable rin sila nito at puwede rin silang kasuhan.

Dapat aware sila na complimentary pass ito at hindi ‘for sale’. Kaya dapat hindi ibinibenta, kundi ipinamimigay.

 

FLOAT NG MINDANAO

MMFF PARADE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with