Nicole nababaitan sa mga ex ni Mark
Hindi natuloy ang balak sanang bakasyon ng magkasintahang Mark Herras at Nicole Donesa sa America dahil nagkasunud-sunod daw ang trabaho nila rito.
Pero baka nga raw next year na nila ito gawin dahil gusto naman daw ni Nicole na maipakilala sa kanyang Papa na nasa Amerika.
“Hopefully next year, pag naka-ipon kasi most of my family is in America. Siyempre gusto ko rin ma-meet niya ang side na yun where we grew up,” pakli ni Nicole nang nakatsikahan namin sa GMA Walk of Fame.
Nakikita naman daw niyang seryoso si Mark sa relasyon nila at ang laki raw nang ipinagbago nito. “I can see how serious he is and how much he’s changing.
Ako naman nandito ako para sa kanya to inspire him and to motivate him para magtrabaho, mag-ipon, lahat,” saad ng Kapuso actress.
Kasama si Nicole sa Descendants of the Sun at nakakatuwa raw dahil okay sila roon ni Jennylyn Mercado.
Kaya okay naman siya sa ex-girlfriend ng Kapuso actor.
Hindi pa raw sila nagkatrabaho uli ni Winwyn Marquez, pero nagkasama na raw sila noon at mabait naman daw ito sa kanya. “Mabait naman po siya eh,” pakli ni Nicole.
Hindi lang daw nagkaroon ng chance na magkita sila uli.
Parade of stars sa taguig pinaghandaan
Magsisimula na bukas, Linggo ang 45th Metro Manila Film Festival na sisimulan ng isang makulay at napakahabang parada.
Okay lang daw ang mahaba, pero huwag lang daw sanang umulan at sabi nga ni Maine Mendoza ng Mission Unstapabol, hindi na sana maulit ang nangyari nung nakaraang taon na ilang floats ang nabalahaw at naglabu-labo na ang takbo ng parada.
Tiniyak naman ng local government ng Taguig na hindi iyun mangyayari at inayos na nila ito nang mabuti.
In-announce ng Metro Manila Development Authority na magkakaroon ng road closure at Stop and Go/Counterflow schemes sa naturang lungsod mula alas-dose nang tanghali hanggang alas-siyete ng gabi.
Magsisimula raw ang parada sa Taguig Lakeshore Hall sa Barangay Lower Bicutan at magtatapos sa Mckinley West sa BGC.
Para sa mga interesadong manood ng parada at sa mga naninirahan sa Taguig at kalapit nito; magsisimula nga ang parada sa Lakeshore (C6), kakanan sa ML Quezon Avenue, at kaliwa sa MRT Avenue, kanan sa Cuasay, kanan sa CP Garcia (C5 Road), left turn to Upper McKinley Road, kanan sa Lawton Avenue, at kakanan MicKinley Parkway, kaliwa sa 32nd Street, kaliwa sa 7th Avenue, kanan sa 26th Street, kaliwa 5th Avenue, kaliwa sa Le Grand Avenue at Chateau Road.
Sa mga motorista, sarado ang ML Quezon mula Dr. A Santos hanggang MRT, mula ML Quezon hanggang Cuasay, mula MRT hanggang C5, C5 Service Road corner Cayetano Boulevard.
Puwede naman mag-counterflow sa Upper McKinley Road (C5 to Lawton Avenue), Lawton to 5th Street (Upper McKinley to McKinley Parkway), at 32nd Avenue (McKinley Parkway to 7th Avenue).
Ang ‘Stop and Go’ traffic scheme naman at i-implement sa C5 hanggang Upper McKinley, C5 Service Road to Sampaguita Bridge, McKinley Parkway to 26th Avenue.
Sa December 25 na magsisimula ang showing at sa December 27 ang Gabi ng Parangal na gaganapin sa New Frontier Theater na kung saan paparangalan bilang Hall of Fame sa mga natanggap nilang acting awards sina Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano, Amy Austria, Eugene Domingo, Cherie Gil, Christopher de Leon, Cesar Montano at ang namayapang si Anthony Alonzo.
- Latest