Miss Intercontinental ngayon na
SEEN: Mismong ang Miracle in Cell No.7 Korean producer na si Kim Min-ki at ang direktor na si Lee Hwan-kyung ang nagpatunay na mas maganda ang Philippine remake ng kanilang pelikula kaya eye opener ito para sa mga Pilipino na nagsasabi na mas maganda ang Korean version na official entry ng Viva Films sa 45th Metro Manila Film Festival.
SCENE: Palaisipan sa karamihan ang muling pagiging uso ng Tala, ang 2015 single ni Sarah Geronimo. Trending sa social media ang mga dance video ng mga Pilipino na sumasayaw sa tugtog ng Tala.
SEEN: Baby boy ang isinilang noong December 18 ng former sexy star na si Rita Magdalena na matagal nang US-based. Caleb Grant ang ipinangalan ni Rita at ng American husband nito sa kanilang 8.8 lbs. baby boy.
SCENE: Ang Taguig City ang host ng Parade of Stars ng 45th Metro Manila Film Festival na magaganap bukas, December 22, 2019. Inaasahan ang pagdagsa ng mga tao dahil sa annual Parade of Stars ng 45th MMFF.
SEEN: Hindi pa inilalabas ng MMFF Committee ang listahan ng jurors para maiwasan ang lobbying sa Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival sa December 27 sa New Frontier Theater.
SCENE: Ngayon ang coronation (Friday night, December 20 sa Egypt ) ng Miss Intercontinental 2019. Umaasa ang mga Pilipino na mananalo si Emma Tiglao para magkaroon sila ng back-to-back win ni Karen Gallman, ang outgoing Miss Intercontinental.
- Latest