^

PSN Showbiz

Happy Christmas nagkakaroon ng anxiety!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Happy Christmas nagkakaroon ng anxiety!
Miko

Ewan ko rin Salve pero para bang habang palapit ang Pasko saka ako nagkakaroon ng feeling of anxiety, iyon bang parang may mangyayari na hindi mo aasahan na baka maganap. Siguro nga dahil kung kelan palapit na ang Pasko saka nangyari iyon suicide ni Miko Palanca na gumimbal sa lahat.

I don’t know pero totoo naman may lungkot o melancholia na dala ang malamig na hangin pag December. So sad na ang isang happy season ay magkaroon ng balita na tulad ng kay Miko. You really don’t know kung ano ang magiging path mo sa buhay, pero iyon buhay natin tayo rin ang nagdi-decide kung paano natin patatakbuhin. Whatever we become in life hindi iyon dahil lang sa suwerte o pagkakataon kundi dahil din iyon sa mga ginagawa natin desisyon. Iyong strength of character mo, iyon laman ng utak at puso mo, you acquire thru the years of your life.

Kung maganda ang inilalagay mo sa utak at puso mo, iyon ang naiipon para sa paglaban mo sa buhay.

Hay naku, basta Happy Christmas na lang, anuman mangyari life will go on, make it good. 

Papa Miguel sobrang generous!

Thank you uli kay Papa Miguel Belmonte dahil natanggap ko na ang bonus ko at talagang grateful ako sa kanyang generosity as our Big Boss Salve.

Bigla ko tuloy naisip na kung ganito rin ang natanggap ko last year, imposible na ma-forget ko kaya sure ako na waley akong  natanggap noong 2018  at puwedeng na-lost in transition ang big bonus ko ha ha ha.

Hindi ko naman basta malilimutan kapag medyo malaki ang amount at hindi ko naman puwedeng sabihin na kinuha ng iba kasi nasa name ko naman.

Nakalimutan ko raw mag-thank you sa kanya last year kaya naalaala niya na itanong sa akin eh ugali ko na kapag may natatanggap ako mula kay Papa Miguel ko, nagte-text ako or nagpo-post agad sa IG.

Mabuti na lang, itinanong niya sa akin ang bonus ko last year kaya hayan, dinagdagan niya for this year para super super thank you ako sa kanya.

Hihingi na rin ako ng  bonus sa mga alaga ko dahil kung si Papa Miguel, give sa akin ng bonus, dapat sila rin di ba?

Humanda sila dahil sisingilin ko sila ng 13th month pay plus bonus. Muchas gracias Papa Miguel, huwag mo nang investigate ang bonus last year. Forget ko na ‘yon dahil 2020 na. Aasahan ko na lang ang bigger bonus sa Happy Christmas.

HBO puro bago ang programa

Bongga ang HBO dahil puwede na pala magpakabit nito sa mga television set at gadget natin para mapanood natin ang kanilang mga bagong television series at movies.

Bongga ang labanan ngayon sa cable dahil halos lahat, puwede na nating mapanood sa murang halaga sa safety at comfort ng ating mga tahanan. Magiging kuntento na ang lahat sa telebabad.

Magandang karagdagan ang HBO dahil sa kanilang mga bagong programa. HBO bet ko ‘yan.

HBO

MIKO PALANCA

SALVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with