^

PSN Showbiz

'Tama si Steve Harvey': Gazini wagi talaga sa Miss Universe national costume

James Relativo - Philstar.com
'Tama si Steve Harvey': Gazini wagi talaga sa Miss Universe national costume
Una nang sinabi ng Miss Universe host na si Ganados ang nagwagi sa nasabing special award, ngunit ibinigay din ito kay Sekhon ng Malaysia.
Mula sa Twitter ng Miss Universe

MANILA, Philippines — Nagkamali ng binigyan ng award ang Miss Universe matapos koronahang Best National Costume si Miss Malaysia Shweta Sekhon kahit na si Miss Philippine Gazini Ganados ang nanalo.

"@IAmSteveHarvey had it right: Miss Universe Philippines Gazini Ganados is the winner of the #MissUniverse2019 National Costume competition! Congratulations, Gazini," paglilinaw ng Miss Universe sa kanilang tweet, Lunes ng hapon.

Una nang sinabi ng Miss Universe host na si Ganados ang nagwagi sa nasabing special award, bago ito bawiin at ibigay kay Sekhon ng Malaysia.

Pero pagkakataong ito, tama talaga si Harvey, na dati nang nagkamali nang tanghaling si Miss Colombia Ariadna Gutiérrez ang Miss Universe 2015, kahit na si Miss Philippines Pia Wurtzbach talaga ang wagi.

Inspired ng pambansang ibon ng Pilipinas na Philippine eagle ang costume ni Gazini.

Ang Filipino designer na si Cary Santiago ang nagdisenyo ng costume, na siya ring gumawa ng evening gown ng kandidata.

"I took my inspiration from our national bird. The design is not as flamboyant but the details are very intricate. Its hand-stitched all coming from the same fabric with my signature laser cut patterns," ani Santiago.

vuukle comment

GAZINI GANADOS

MISS MALAYSIA

MISS PHILIPPINES

MISS UNIVERSE

SHWETA SEKHON

STEVE HARVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with