Zozibini Tunzi ng South Africa wagi sa Miss Universe 2019
MANILA, Philippines — Wagi sa ika-68 na Miss Universe pageant ngayong 2019 ang pambato ng South Africa na si Zozibini Tunzi, Lunes (Manila Time).
"And the new Miss Universe is South Africa!" bigkas ni Steve Harvey sa harap ng milyun-milyong nanunuod ngayong araw.
The new #MissUniverse2019 is... SOUTH AFRICA!!!! ???? pic.twitter.com/gRW8vcuT3A
— Miss Universe (@MissUniverse) December 9, 2019
Si Zozibini ang hahalili kay Catriona Gray ng Pilipinas, na nanalo sa parehong patimpalak isang taon na ang nakalilipas.
Sa kanyang final statement, sinabi ni Zozibini na nais niyang magsilbing inspirasyon sa mga Aprikanang madalas kutyain dahil sa kulay ng kanilang balat.
"I grew up in a world where women who look like me with my kind of skin and my kind of hair was never considered to be beautiful," wika niya.
"And I think that it is time that that stops today. I want children to look at me and see my face and I want them to see their faces reflected on mine. Thank you."
Making a statement... This is Miss Universe South Africa.#MissUniverse2019 LIVE on @FOXtv. Airing in Spanish on @Telemundo. pic.twitter.com/FWpqb0517w
— Miss Universe (@MissUniverse) December 9, 2019
First-runner up naman si Madison Anderson ng Puerto Rico, na siyang makakakuha ng korona oras na hindi magampanan ni Zozibini ang kanyang tungkulin bilang Miss Universe 2019.
Ayon naman kay Madison, hindi lang daw pangarap para sa kanya ang mapunta sa entablado ng Miss U — ito na raw ang kanyang misyon.
"I truly believe my mission is to show the world that magic happens when we refuse to give up because the universe always listens to a stubborn heart," wika ni Madison.
Second-runner up naman sa pagandahan si Sofia Aragón ng Mexico.
Sa kanyang paglisan sa korona, sinabi ni Catriona na isang karangalan ang magsilbing Miss U: "You endlessly inspire me and give me hope. Maraming salamat."
Bigo namang makapasok sa top 10 ang pambato ng Pilipinas na Gazini Ganados, na napanatag lamang sa top 20.
- Latest