^

PSN Showbiz

Aga nangangamoy Best Actor na agad!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Aga nangangamoy Best Actor na agad!
Aga

Ngayon pa lamang ay pinag-uusapan na si Aga Muhlach umano ang mananalong Best Actor sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival  (MMFF) na gaganapin on December 27, 2019 dahil sa napakahusay nitong pagkakaganap bilang isang person with autism sa Philippine adaptation ng Korean hit movie na Miracle in Cell No. 7 na pinagbibidahan mismo ng mister ni Charlene Gonzales mula sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario at direksiyon ni Nuel Naval. 

Ang nasabing pelikula ay nabigyan ng G-rating ng MTRCB at Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at matutunghayan sa mga sinehan nationwide simula sa December 25.

Magmula nang ipalabas ang teaser ng pelikula ay umani na ito ng milyones sa social media at marami na ang excited na ito’y mapanood sa mga sinehan.

Kasama ni Aga sa movie ang ten-year-old childstar na si Xia Vigor at paglaki nito ay gagampanan naman ni Bela Padilla.  Kasama rin sa movie sina Joel Torre, JC Santos, Soliman Cruz, Jojit Lo­renzo, Mon Confiado at iba pa.

Hindi ikinakaila ni Aga na sobra umano siyang nag-excite nang ialok sa kanya ni Boss Vic del Rosario ang proyekto.

Xia mature mag-isip

At ten years old, sobra nang napaka-mature magsalita at mag-isip ang childstar na si Xia Vigor. Puring-puri si Xia hindi lamang ni Aga at iba pang kasama sa cast ng pelikula kundi lalo na ni Direk Nuel Naval dahil sa pagiging muhusay umarte ng bata.

Si Xia ay produkto ng Mini-Me 2 contest, isang segment ng noontime show na It’s Showtime at siya ang tinanghal na grand winner.  Limang taong gulang pa lamang siya noon.

Although nakapag-uwi si Xia ng brand new house and lot, malaking halaga ng cash prize at iba pang papremyo, mas na-excite umano siya nang mapasama siya sa contest at age five dahil gustong-gusto umano niyang mag-artista.

Bagong dating lamang umano sila noon from England with her family at siya na ang nakiusap sa kanyang parents na dito na sila sa Pilipinas mag-stay sa pagnanais niyang mag-artista at pinagbigyan naman siya.

Patricia pinagma­malisyahan ang panalo!

Mukhang kailangang mag-issue ng official statement ang bumubuo ng Noble Queen of the Universe Ltd., Inc. na pinangungunahan ng chairman na si Erilene Noche-Tumali dahil may kumakalat sa social media na hindi maganda at pinupuntirya ang kauna-unahang newly-crowned Noble Queen of the Universe na si Patricia Javier.

Hindi kailangan ni Patricia na idepensa ang kanyang sarili kundi ang organisasyon.

In fairness to Patricia, siya ang pinakamasipag mag-promote ng Noble Queen of the Universe pageant  dahil bukod sa hindi pa kilala ang orga­nisasyon, siya lamang ang bukod tanging kilala na celebrity among the 20 candidates kasunod ang unica hija ng Jukebox Queen at vice-governor ng Camarines Sur na si Imelda Papin na si Marie France `Maffi’ Papin Carrion.

MMFF

MTRCB

XIA VIGOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with