^

PSN Showbiz

Nanette hindi nakakalimot kahit kailan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nanette hindi nakakalimot kahit kailan
Nanette

All this years kahit pa nun nasa Boston pa si Nanette Medved hindi siya nakalimot na padalhan ako ng regalo pag birthday at Pasko, Salve.

I appreciate very much her thoughtfulness and sweetness at talagang na feel ko ang sincerity niya kahit pa nga hindi kami nagkikita. I feel proud sa mga achievement niya, sa lahat ng nangyayari sa buhay niya, at napaka-lucky niya to have Chris Po sa life journey niya. Now na may dalawa na siyang anak na lalaki lalo pang naging complete ang buhay niya as a wife and mother.

All this years ibang-iba na ang mundo ni Nanette bilang Mrs. Po pero never niyang kinalimutan ang aming naging relasyon, and for that I am so grateful. Thank you Nanette, all my love. 

Anna Mae kinilala ng Harvard Alumni Association

Nakalimutan ko batiin si Anna Mae Lamentillo sa binigay sa kanyang award ng Harvard Kennedy School Alumni Association. Bongga rin si Anna Mae na talagang sa gitna ng trabaho ay tuluy-tuloy ang pag-aaral.

Under siya ni Sec. Mark Villar sa DPWH pero kumuha siya ng graduate courses sa Harvard at ipinagpatuloy ang pag-aaral ng law sa UP. Madalas ko nga siya biruin na sa dalas ng pag check nila sa maraming constructions na ginagawa ng DPWH sure ako na dun manggagaling ang future husband niya, hah hah either contractor, engineer, architect or construction worker. Bongga ‘di ba dahil sa PR ni Anna Mae tiyak sa bawat jobsite meron siyang papa, hahaha! Joke!

Congrats Anna Mae, more awards to come. Villar girl iyan noh, properly trained at marunong, bet mo talaga. 

‘You cannot question God’

Siguro Salve in the wisdom of God alam niya what is really good for us. Naisip ko iyan dahil bakit kung kailan dapat masaya ang lahat saka niya kinuha ang Nanay Lesing ni Boy Abunda at si Veronica Samio. Christmas is such a joyous day pero pinili niya na sunduin ang mga mother at hayaan maging malungkot ang mga anak na iniwan. Pero how can you question God?

May maganda siguro siyang plano for their family. Ewan ko kung dahil sa season pero grabe ang melancholia na nadarama ko. Iyon para bang may dalang lungkot ang hangin, naisip ko iyon mga taong sinalanta ng bagyo, iyon nalindol at nasunugan, how will they spend their Christmas, paano sila magsasaya? God help them, please.

ANNA MARIE

NANNETE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with