^

PSN Showbiz

Bong at Lani ngayon lang uli makaka-biyahe sa abroad

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bong at Lani ngayon lang uli makaka-biyahe sa abroad
Sen. Bong & Jolo

Feel na feel ko na ang excitement ni Gorgy Rula na dadalo sa kasal nina Jolo Revilla at Angel Alita sa California sa December 14, 2019.

Talagang feeling belong siya sa Revilla family dahil isa siya sa unang binalitaan ni Jolo tungkol sa pagpapakasal nito at isa siya sa unang nag-book ng flight sa Los Angeles.

Kung hindi lang sa feeling ko hindi ko na kaya ang mga long flight, baka dumalo rin ako sa US wedding nina Jolo at Angel dahil naikuha na ako ng ticket at ayos na ang hotel booking ko.

Gusto ko talaga na makita ang wedding ni Jolo na parang tunay na anak ko na rin dahil nakita ko siya na lumaki, nagbinata, naging binatang ama at ngayon ay nakatagpo na ng babae na makakasama niya sa pagbuo ng  pamilya.

Natuwa ako dahil bestmen ni Jolo sa kasal nito ang kanyang kuya na si Bryan at ang anak niya na si Gab na patunay ng closeness nila.

Isa pa sa dahilan kaya gusto ko na makadalo sa kasal nina Jolo at Angel ang unang biyahe nina Bong at Lani sa labas ng bansa.

Halos limang taon din na hindi nakapunta si Bong sa abroad dahil sa matagal na pagkakakulong niya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Pero kailangan ko na mag-sacrifice dahil nga sa health reasons. Babalitaan na lang ako ni Gorgy ng mga mangyayari sa wedding at nag-promise naman ako kay Jolo na  ipagda­rasal ko ang happiness nila ni Angel sa married life nila, together forever. Congrats and best wishes Jolo and Angel.

Vero

‘Vero, icon sa showbiz writing’

Isang kawalan na naman sa showbiz ang pagpanaw ni Veronica Samio noong Huwebes, December 5.

Naging malaking bahagi si Vero ng PSN (Pilipino Star NGAYON) bilang editor at PM (Pang-Masa) bilang kolum­nista. Masa­sabi na icon sa showbiz writing si Vero na naging presidente rin ng Philippine Movie Press Club.

Naalala ko pa na kaming dalawa ni Vero ang nademanda ng libel noong 2007 at sa tuwing a-attend kami ng hearing, feeling very guilty ako dahil kapag hindi guma­gana ang elevator ng Manila City Hall, umaakyat kami hanggang 3rd floor.

Kitang-kita ko ang pag­hingal at pagod ni Vero sa pag-akyat ng hagdan.

Natutuwa pa naman ako kapag nagkikita kami sa mga presscon dahil mukhang healthy si Vero after na mabalita na nagkaroon siya ng stroke at na-confine sa ospital.

Sinabi ko kay Vero na at least may anak siya na doktora kaya may mag-aalaga sa health niya. Rest in peace Vero, and thank you for the happy memories.

Renz enjoy sa malayong taping

Cast member ng Descendants of the Sun si Renz Fernandez na happy sa set dahil mababait ang kanyang mga co-star at ang production staff ng GMA 7.

Isang doktor ang role ni Renz sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun at si Andre Paras ang madalas na kasama niya sa mga eksena.

Sa Nueva Ecija at Tanay ang ta­ping ng mga eksena ni Renz para sa Descendants of the Sun at nasanay na siya na bumibiyahe sa malalayong lugar. Kahit effort ang pagpunta sa location, walang nararamdaman na pagod si Renz dahil enjoy nga siya sa taping ng bagong show na malapit nang mapanood sa Kapuso Network.

BONG REVILLA

JOLO REVILLA

VERONICA SAMIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with