Sa sobrang generous Angel pasok sa listahan ng Heroes of Philanthropy sa Asia
Bongga si Angel Locsin. Pasok siya sa bagong listahan ng Forbes Asia’s Heroes of Philanthropy list.
Kinilala ng Forbes ang mga philanthropist na “committed to solving some of the most pressing issues facing the Asia-Pacific.”
Isa si Angel sa mga generous hindi lang ngayon kundi kahit noon pa. At hindi niya ipinangangalandakan ang ginagawang pagtulong sa mga totoong nangangailangan.
Ang pinaka-latest na kawanggawa niya ay nang pumunta siya ng Mindanao at mamigay ng truckload of relief goods sa mga sinalanta ng lindol last October.
Nag-donate din siya noon sa mga nabiktima ng bagyong Ondoy at bumiyahe siya sa Marawi matapos ang ‘giyera’ ng military at mga rebelde.
Maalala ring hindi siya nag-attend sa ABS-CBN Ball at diniretso niya ang tulong sa Bantay Bata.
In all fairness, isa si Angel sa pinaka-batang kasama sa listahan ng ‘Asia’s 2019 Heroes Of Philanthropy: Catalysts For Change’ na lumabas sa forbes.com.
Dalawa lang silang Pinoy ni Mr. Hans Sy, Chairman of the Executive Committee and Director, SM Prime, sa nakasama sa nasabing listahan.
- Latest