Movie ni Julia at Joshua, iniba ang ending!
Iniba pala ang ending ng pelikulang Block Z starring Julia Barretto and Joshua Garcia ayon sa ka-chika kong source.
Bukod kasi sa naudlot ang showing na originally ay last September pa naka-schedule, sa January na rin diumano ito itutuloy.
Nasapul kasi ang supposedly ay showing ng nasabing pelikula nung kasagsagan ng ‘ghosting’ issue kina Julia at Gerald Anderson.
Eh that time, parang na kay Bea Alonzo ang simpatya ng lahat ng tao kaya inuurong daw ang showing nito.
Nagbida si Julia sa Maaalala Mo Kaya last Saturday at ayon sa balita, hindi bongga ang rating nito.
Eh ayon sa source, nagsilbing testing ground ito sa kanya.
So ano na nga ang magiging next move sa career ni Julia?
- Latest