^

PSN Showbiz

Opening ceremonies ng sea games mas maraming pumuri kesa nag-nega

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Opening ceremonies ng sea games mas maraming pumuri kesa nag-nega
Pacman

Wow, kasama ang mga mahuhusay nating performer na bumida sa opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games na ginanap sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan.

Spectacular, extravagant, world class, basta, fabulous ang nasabing opening ceremonies at naipakita natin ang yaman ng kulturang Pinoy sa mga nanood sa iba’t ibang bansa.

Ang saya-saya ng lahat ng delegation ng Pilipinas na umabot pala sa 1,000. Kinilabutan ang lahat nang lumabas sila na ang muse ay si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach habang pinatutugtog ang kantang Manila.

Ang galing, parang natabunan lahat ng mga negative issue na naglutangan bago pa man officially nagsimula ang 30th Southest Asian Games.

Pero anyway, true kayang pre-taped ang naganap na pagsindi ni boxing champion / Senator Manny Pacquiao ng controversial cauldron, as in hindi live.

Habang nagaganap daw kasi ang nasabing lighting ay nasa General Santos si Sen. Manny at isinara ang New Clark City, na isa sa main venues para sa 30th Southeast Asian Games. Maraming lumabas na reklamo dahil sa mga kababayan nating dumayo doon na na-disappoint dahil nga hindi sila nakapasok.

Na totoo pala dahil natakot sila sa bagyo.

Ayon sa assistant ni Sen. Pacquiao na si Jake Joson sa GMA.com, minabuting i-tape ang pagpapailaw ng cauldron bilang bahagi ng contingency plan dahil nga sa banta ng bagyong Tisoy.

Basta ang bottomline ng lahat, bongga ang opening ceremonies kaya kung may nega man hayaan na lang natin.

Dedma na lang sa mga nagtataka kung bakit hindi napuno ang Philippine Arena, kung bakit sobrang laki ng stage at bakit lip sync ang ibang song numbers.

Mahirap ang ginawa nila kahit pa sabihing ginastusan ‘yun.

#WeWinAsOne

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES

EXTRAVAGANT

JAKE JOSON

SEN. PACQUIAO

SPECTACULAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with