Pamilya ni Kisses at Rap nagkasundo na
Ang ilabas ang paliwanag ng magkabilang-panig ang ginagawa ko kapag may mga isyu. May report ako noon sa PM (Pang Masa) at PSN (Pilipino Star Ngayon) tungkol sa nawala na communication nina Kisses Delavin at Rap Fernandez.
Actually, si Mommy Carrie na mahal na mahal ni Ricky Lo ang kausap ni Rap nang rentahan nila ang penthouse unit na pag-aari ng anak ni Lorna Tolentino sa Imperial Palace Suites.
Ngayon na nagkausap na sila at naayos ang dapat ayusin, wala nang issue. Malaking tulong din ang nagawa ni Rams David na namagitan at pinakinggan ang both sides.
Walang problema lalupa’t businessman ang father ni Kisses at napakabait ng Mommy Carrie niya.
Very minimal naman ang amount na involved at sa katayuan ng mga Delavin, imposible na hindi maayos ang problema.
Ang sinabi ko na stop payment, ang ibig sabihin, may pondo sa bank at nabayaran na ang renta para sa buwan ng October.
Sinamantala naman kasi ng mga basher ang post ko lalo na ‘yung mga gusto na magalit ako sa mga Delavin.
Hindi nagtagumpay ang mga nagpanggap na fans ni Kisses na bashing at mura inabot ko. Hindi nila ako na-provoke na magalit kay Kisses dahil alam ko na trolls sila no? So case closed na ha?
Walang utang sina Kisses, maayos na sila nina Lorna at Rap at love ko pa rin ang Mommy Carrie niya. Sorry bashers.
Kapakanan ng mga athlete mas dapat unahin
Totoo ang sinabi ni Ethel Booba na ang mga corrupt na pulitiko ang dapat na igatong sa cauldron na P50-M ang presyo Salve.
Nakakaloka na ang laki nang nagasta para sa facilities ng SEA Games pero hindi natin mabigyan ng enough support ang mga player natin.
Naalala ko ang sinabi noon ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na dapat mayaman ang isang athlete para masuportahan ang mga gastos sa training.
Hindi katulad ng Pilipinas ang ibang bansa na naibibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng mga atleta.
Sa pagkain pa nga lang, kulang na kulang ang pagkain para sa mga manlalaro natin.
‘Yung mga ipinagawa na facilities, kadalasan napapabayaan tulad ng ULTRA at higit sa lahat, may naririnig ako na ang mga gamit, sapatos at iba pa, hindi naibibigay sa mga athlete natin.
Dapat na unahin ang kapakanan ng mga Pinoy athlete. Ayusin na mabuti ang kanilang mga kalagayan, ibigay ang kailangan lalo na sa pagkain at gamit, build up world class facilities for them para makalaban sila nang husto.
Maganda nga na makita na maayos ngayon ang lahat ng SEA Games facilities pero hindi naman natin ma-maintain nang maayos kapag nagtagal.
Parang maayos nga ang bahay pero sakitin naman ang mga nakatira. Ang ibig kong sabihin, impressive ang daratnan na facilities pero naayos ba ang kapakanan ng athletes?
‘Yung mga kasali mula sa malalayong probinsya, naalagaan at matibay ba ang mga pangangatawan?
Sana ‘yun ang makita na mabuti at mapansin din natin ang ibang sports, hindi lamang basketball dahil ito ang pinaka-popular.
Hindi nga natin inakala na mananalo tayo ng gold medal sa gymnastics at boxing. Payag ako sa suggestion ni Ethel Booba na unahin na ilagay at ilaga sa giant kaldero ang corrupt officials sa sports at health.
- Latest