Marissa del Mar brand ambassador na rin ng bagong jewelry shop!
MANILA, Philippines — Bagay na bagay na maging brand ambassador ng bagong bukas na jewelry store na Chanti Gem ang famous TV personality and entrepreneur na si Marissa del Mar.
Mahilig kasi ang former actress sa alahas especially kung may diamonds, maging ang mother nito na parating kasa-kasama noong nag-aartista pa si Marissa ay pinuno ng alahas ang katawan kaya donyang- donya ang dating nito.
Isang malaking factor kung bakit blessed ang former actress-beauty queen ay dahil mapagmahal siyang daughter, and mom siyempre to her kids including Princess Adriano na naka-tandem niya sa World Class Kababayan sa GMA News TV. Papasukin na rin ni Princess soon ang dating mundo ni Marissa pero sa ngayon katuwang ang kanyang Mom ay pareho nilang mina-manage ang Chanti Gem, na located sa 2nd floor ng Ayala Mall, Manila Bay Macapagal Ave.
Available dito ang variety of luxurious jewelry with intricate designs; crafted by masters who are trained in the jewelry architecture and holds functional.
Ang nasabing jewelry shop din ang exclusive distributor ng Elephant Bracelet sa Philippines.
Ilang celebrities at socialite na ang namataang bumili sa Chanti Gem. This Christmas ay magkakaroon uli ng Pamaskong Handog si Marissa para sa Buhay OFW at kasama niya si Princess at ilang staff, na mamahagi ng regalo.
- Latest