^

PSN Showbiz

Vina hindi pinababayaan ang kaso sa tatay ng anak!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Muling napag-usapan ang isyu ni Vina Morales sa ama ng kanyang anak na si Cedric Lee nang humarap siya sa mediacon ng pelikulang Damaso na magsu-showing na sa November 20.

Si Sisa ang role niya sa pelikulang ito at feel na feel niya nang kinanta ang isa sa mga awitin sa naturang pelikula.

Aminado kasi si Vina na naging ‘Sisa’ rin daw siya sa pag-ibig. Pero ngayon ay single siya at marami na siyang natutunan sa mga nakaraang relasyon.

Kaya kinumusta na namin sa kanya ang ama ng kanyang anak na hindi na­ging maganda ang kanilang samahan at umabot na sa demandahan.

Maingat si Vina sa mga sagot niya nang kinumusta namin sa kanya ang kasong hinaharap kay Cedric Lee.

“It’s still ongoing. So, we’re hoping na nasa side namin ang hustisya, which is nangyayari naman ‘yan unti-unti.

“Marami namang na-dismiss na cases and we’re thankful to that...and thankful ako kay Atty. Lucille Sering for always be there to support us,” pa-safe na sagot ni Vina.

May mga follow up questions pa ako sa kanya tungkol sa relasyon ni Cedric sa kanilang anak, pero hindi na niya ito sinagot.

“Ayoko siyang pag-usapan,” medyo naaalangan niyang sagot sa amin. Dagdag niyang pahayag; “Wala naman akong kinatatakutan ngayon. Kasi, alam ko namang wala akong inaagrabyadong tao.

“So, for me ano lang ako pagdating sa situation sa buhay ko.  We’re okay when it comes to my life, my situation. My daughter is very okay also.”

Nagpapasalamat siya sa Diyos na naging maganda naman daw ang takbo ng career niya. Hindi nga lang ang lovelife, pero hoping naman daw siya darating ang tamang lalaki para sa kanya. Bahala na raw si Lord.

Arnell naiyak sa role na Damaso

Natutuwa si Arnell Ignacio dahil nabigyan siya ng chance na makabalik sa pag-aartista sa pelikulang Damaso.

Si direk Joven Tan ang gumawa ng mga kanta, na kung saan 16 songs ang nabuo niya, pero hindi pala nagamit ang ibang kanta sa kabuuan ng pelikula.

Sa mediacon ng naturang pelikula, nagpa-sample ng ilang kanta ang ilang cast.

Hindi napigilan ni Arnelli na maluha nang kinanta niya ang ilang linya ng awiting Ako Na na kung saan doon daw niya ini-reveal na si Padre Damaso ang tatay ni Maria Clara, at sinasabi niyang siya na lang ang parusahan.

“Naka-relate ako sa kanta. Nung ni-record ko, naiyak ako talaga. Tatay din kasi ako. May mga pinagdaanan din eh. Alam niyo naman yun,” pahayag ni Arnelli.

Pina-sample namin siya ng ilang linya sa kantang kinanta niya sa movie at naluha pa rin siya.

Maganda ang mga kanta, na mukhang inspired nga si direk sa mga kantang nilikha niya.

Aware silang mahirap talagang ibenta ang musical. Pero base ito sa Noli Me Tangere na pinag-aaralan ng mga estudyante.

Kaya baka humingi sila ng tulong sa DepEd at puwedeng iikot sa mga eskuwelahan.

Humihingi sina Arnelli ng tulong sa media na sana tulungan nga raw silang i-promote ito nang husto para aware lang ang mga manonood na ipalalabas na ito sa November 20.

Clashers tiyak mawiwindang!

Pagkatapos natanggal ang isang clasher kagabi, meron uli mamayang gabi dahil merong nangyari sa boses niya.Hindi talaga maiwasan ang mga ganung challenge sa isang singer at hindi lang talaga maganda ang timing sa clasher na ito. Kaya siya ang magpapaalam mamayang gabi.

Sampu na lang ang matitirang clashers at meron na namang twist na magaganap na kung saan ang dalawang clashers ang magdi-decide kung ano ang susunod na magaganap.

Malaking shock ito sa lahat na mga clashers na ikinawindang nilang lahat.

VINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with