^

PSN Showbiz

Nathalie umaming hindi na tuloy ang kasal!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Nathalie umaming hindi na tuloy ang kasal!
Nathalie

Marami ang ginulat ng pagdating ni Na­thalie Hart sa mediacon ng Barbara Reimagined. Ito ang ikatlong movie remake ng horror movie ni Celso Ad Castillo na Patayin sa Sindak si Barbara in the 70’s. Ginawan din ito ng second version ni Chito Roño nung nga unang taon ng milenya. Ang isa pang bersyon na ginawa ni Kris Aquino ay sa TV naman napanood.

Ang ikatlong movie version ay ipinagkatiwala sa isang baguhang direktor, si Benedict Mique na ang kahenyuhan ay nasilip na sa mga unang pelikula na ginawa niya, ang ML at Momol Nights.

Isang napakalaking challenge para kay Natha­lie na magampanan ang role na unang ginampanan nina Susan Roces, Dawn Zulueta at Kris.

Kapapanganak pa lamang niya pero, ubod ng ganda pa rin ng katawan, salamat sa maganda niyang diyeta at magandang pag-aalaga ng katawan para makabalik agad ng trabaho lalo na ngayong may anak na siya, suwerte na makuha niya ang Barbara Reimagined dahil magaga­ling ang mga kasama niya, mula sa ditektor hanggang sa mga co-star niya na sina JC de Vera, Mariel de Leon at Zia Vigor.

Masaya pa rin ang awra ni Nathalie sa kabila ng pangyayaring walang kaganapan ng kasal niya sa isang dayuhan. Hindi ito natuloy sa kadahilanang bata pa sila at wala pang kahandaan. Sila pa rin at pagsusumikapan ang kanilang long distance relationship.

Napapanood na ang Barbara Re­imagined sa iWant Os at Android o IWant.ph. Pwede ring i-stream ang orihinal na Barbara nina Castillo at Roño sa kanilang restored versions.

Kisses inaasahang didikitan na ng suwerte

Sa paglipat niya ng Triple A ang talent agency ng APT Entertaiment, wish ng lahat na magtuluy-tuloy na ang karera ni Kisses Delavin. Maganda ang naging simula niya pero, mukhang mailap pa sa kanya ang suwerte. With Triple A at sa pangangalaga ni Rams David, hope ng lahat na makita siya sa GMA na kung saan naglalagay ng palabas ang APT, mother company ng Triple A at produ ng Eat Bulaga.

Club Mwah may bagong award

Congrats kay Pocholo Mallilin. May bago na naman siyang natanggap na pagkilala para sa mahusay na pamamahala ng mga world class presentation sa Club Mwah na matatagpuan sa Boni sa Mandaluyong.

Pinagkalooban siya ng Outstanding Director and Entrepreneur of the Year sa 7th World Class Excellence Japan Awards na ginanap sa Heritage Hotel Manila nung October 26, 2019. Isa na naman itong paraan para ipagpatuloy ni Pocholo at ng artistic director ng CM na si Criz Nicolas ang kanilang mala-Broadway na palabas. Tanging ang  CM ang naghahandog ng ganitong panoorin sa bansa.

NA­THALIE HART

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with