Milyonaryo agad Vanjoss ng Team Sarah, grand champion NG TVK
MANILA, Philippines — Panalo ang dose-anyos na si Vanjoss Bayaban ng team ni coach Sarah Geronimo ng P2 milyong cash, recording at management contract sa MCA Music, at house and lot mula Camella na may halagang P2 milyon matapos tanghaling grand champion ng pinakabagong season ng The Voice Kids noong Linggo ng gabi (Nobyembre 3) sa Resorts World Manila.
As in umapaw ang suporta kay Vanjoss, na mula Pangasinan, sa pagtala niya ng pinakamataas na combined percentage ng text at online votes na 62.11%, at nagwagi sa mga pambato nina coach Bamboo at Lea Salonga na sina Carmelle Collado (24.74%) at Cyd Pangca (13.15%).
OFW pala ang nanay ni Vanjoss at ngayon daw nanalo na siya ay pauuwiin na niya ito.
- Latest