^

PSN Showbiz

SEF inamin na ang GF

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
SEF inamin na ang GF
Sef

SEEN: Ang pahayag ni Inday Barretto na siya ang Inday na tinutukoy ng kanyang anak na si Marjorie na gusto nito na sapakin sa video na inilabas ni Claudine Barretto. Konti na lamang ang likers at comments tungkol sa bagong pasabog ni Claudine laban kay Marjorie, isang pruweba na nawawala na ang interes ng publiko sa kanilang mga drama.

SCENE: Naging emos­yonal ang comedienne na si Mykah sa 24th anniversary presscon kahapon ng Bubble Gang. Nagpasalamat si Mykah kay Michael V. dahil sa mga kabutihan na ipinapakita nito sa kanya. Isa si Mykah sa mga pioneer star ng Bubble Gang.

SEEN: Mapapanood sa November 15 at sa November 22 ang ScAvengers, ang two-part telemovie special ng Bubble Gang. Medyo baliw at ambisyosong project ang description ni Michael V. sa The Avengers parody ng kanilang top-rating Friday night gag show.

SCENE: Nangyari noong Linggo, November 3, ang pagbisita nina Pepe at Pilar sa puntod ng kanilang Lolo Ramon at Lola Celia, ang mga magulang ng kanilang ina na si Korina Sanchez-Roxas. “It is the first time the twins are meeting their Lolo and Lola from my side. We waited for Sunday for the yearly lunch with our dearly departed. My Mom and Dad didn’t think I would have children anymore. They both passed when I was 40. And then...SURPRISE! I’m so sure they had a party in heaven. And are ecstatic the twins finally got to visit,” ang kuwento ni Korina.

SEEN: Hindi na inililihim ni Sef Cadayona ang relasyon nila ng girlfriend niya na walang kinalaman sa showbiz. Dating secretive si Sef kapag ang kanyang lovelife ang topic kaya hindi niya inamin noon ang tunay na namagitan sa kanila nina Andrea Torres at Maine Mendoza.

SCENE: Ngayong gabi ang magkasabay na red carpet premiere ng Cara X Jagger ng APT Entertainment at Cignal Entertainment sa SM Megamall Cinema at ng The Art of Ligaw ng Coreminds Production sa Cinema 7 ng Trinoma. Sina Ruru Madrid at Jasmine Curtis Smith ang lead actors ng Cara X Jagger at mga bida ng The Art of Ligaw sina KZ Tandingan at Epy Quizon.

Sa November 13 ang playdate ng The Art of Ligaw pero napaaga ang premiere night nito .

vuukle comment

SEF CADAYONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with