^

PSN Showbiz

Coffee Project masarap tambayan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Coffee Project masarap tambayan!

Sobra naman tayong spoiled ni Kathy Balagtas ng Coffee Project Salve kaya nga hindi totoo ang reklamo na hindi maganda ang service sa coffee shop ng mga Villar.

Sa umpisa pa lang, nakita ko na how attentive at maayos ang serbisyo ng crew ng Coffee Project at talagang to die for ang kanilang baked sweet potato na sobrang paborito pala ni former Senator Manny Villar.

Masarap at mura ang mga pagkain at kape sa Coffee Project kaya hindi nakapagtataka na dinarayo ito at marami ang kumakain, aside from libre ang wifi.

Feeling safe ang mga customer ng Coffee Project dahil guarded ang lahat ng branches.

Bongga rin ang magaganap na OFW Summit sa November 12 dahil mananalo ng tambak na premyo ang mga OFW na sobrang mahal ng mga Villar.

Thanky you kina Ms. Kathy ng Coffee Project, Ms. Nini Enrique at kay Senator Cynthia Villar na special guest natin sa Take It Per Minute (Me Ganun) noong Martes.

Asawa ni Terrence waging ‘Best Friend’

Muntik na kaming magkamali dahil ang akala namin, galing kay Bambbi Fuentes ang Japanese food na inihatid sa Coffee Project noong Martes para sa aming online show.

Mali ang akala namin dahil ang aming ever favorite ni Cristy Fermin na si Pia Romeo ang nagpadala ng Japanese food.

Bongga talaga si Pia, mula Obra ni Nanay, hanggang sa Bambbi Fuentes salon, nahanap tayo ng Grab food delivery sa Coffee Project.

Kung hindi lang baka isipin ni Senator Cynthia Villar na parang palengke ang mesa namin sa Coffee Project, sure ako na nasa harapan namin nina Cristy at Mr. Fu ang mga Japanese food na ipinadala ng mabait, maganda at legal wife ni Terrence Romeo.

Kung magkakaroon ng Take It.. Per Minute! (Me Ganun) Awards, sure ako na winner sa pinaka- Best Friend category si Pia na from the start up to now nananatiling loyal viewer ng online program natin. We love you my dear Pia Romeo.

Ryza tinuruang mag-invest

Ang suwerte naman ni Ryza Cenon dahil tinutulungan pala siya ng Viva sa kanyang mga investment.

Ang mag-amang Boss Vic del Rosario at Veronique Corpus ang nag-advise kay Ryza na magpundar ito ng lote na mapagpapatayuan niya ng kanyang dream house.

Sa tulong ng kanyang home studio, natupad na ang pangarap ni Ryza na makabili ng lote kaya ang bahay na ipatatayo ang pinag-iipunan niya.

Alam ni Ryza na hindi stable profession ang pag-arte kaya masinop siya sa pera at maingat sa paggasta. Nagpapasalamat si Ryza sa kanyang mga bossing sa Viva at siyempre kay God dahil hindi siya nababakante as in sunud-sunod ang mga project niya.

COFFEE PROJECT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with