Korean actor/singer nagpakilig sa tagalog song
MANILA, Philippines — Hindi na-disappoint ang fans ng Korean actor / K pop star Cha Eun Woo sa kanyang Just One 10 Minute First Fan Meeting na ginanap the other night sa New Frontier Theater.
Hindi lang kasi basta nagpa-cute at nagpa-parlor games ang Gangnam Beauty and Rookie Historian Goo Hae Ryung actor, kinanta rin niya ng Ben & Ben’s hit song Kathang Isip. Member si Cha Eun Woo ng sikat na Korean boy group na Astro na lamang niya sa ibang fan meeting ng ibang Korean stars.
Talagang halos sumabog ang New Frontier Theater na parang first time kong nakita na standing room only (SRO) ang fan meeting.
Kinanta rin niya ang Love Yourself ni Justin Bieber na nauna na pala niyang kinanta sa Bangkok fan meeting.
Sinabayan siya ng fans habang kumakanta na majority ay millennials na naghintay pa sa labas ng New Frontier after the concert.
Konti lang ang nasa tita level na audience ni Cha Eun Woo.
Anyway, familiar si Cha Eun Woo sa mga Filipino dahil naka-travel na raw siya rito when he was four years old. Kuwento pa nga nga niya, tinuturuan pa siyang mag-basketball.
Anyway, aside from singing, talented din pala si Cha dahil kaya niyang tumugtog ng iba’t ibang musical instruments like guitar, piano at maging ng violin.
Very charming ang 22-year old heartthrob sa stage kaya todo ang kilig ng fans niya.
Nag-promise siya na babalik siya ng Manila.
Grabe parang every week may fan meeting ang mga Korean star / K pop group dito sa Manila.
Jampacked ang New Frontier, pero punung-puno rin ang MOA Arena kung saan nag-concert ng Got7 nung Saturday night din.
Three weeks ago lang ay nasa bansa si Lee Seung-Gi.
Nauna nang nagkaroon ng fan meeting sina So Ji Sub, Park Bo Gum, Seo Kang Jun, Park Hae Jin, Jung Hae In, Park Seo Joon, at marami pang ibang Korean stars bukod pa sa K pop group na tambak din ang followers.
So sila nga ba ang totoong kalaban ng mga Tagalog movies natin na lately ay hindi masyadong magaganda ang resulta ng ibang pelikula.
Actually, may pagkakataong nagsasabay-sabay pa ang K pop concert / fan meeting, magkakaiba lang ng venue.
Laging booked ang New Frontier Theater sa mga fan meeting. Ito kasi ang pinaka-magandang venue sa kasalukuyan. Bukod sa maganda ang location, hindi pa natatagalan ng i-renovate ang theater ng mga Araneta kaya talagang type din ng mga Koreano.
Tapos katabi pa ng Novotel, so hindi na kailangang umalis ang mga artist sa area.
Imagine kung die hard fan ka ng K drama / K pop, wala ka nang ibang iisipin kundi ang mag-ipon kung paano ka makakabili ng ticket. Hindi cheap ha, P10,000 ang pinaka-mahal at almost P3,000 ang cheapest.
Alarming na, pero wala naman tayong magagawa. Sila naman ‘yun. Hindi naman puwedeng pilitin ang iba na mas panoorin nila ang local movies and concerts.
Baka rin kasi nawawalan na ng mystery ang iba nating artista na career na rin ang social media.
Parang nagiging too familiar na sila sa fans kaya siguro katuwiran ng fans bakit pa sila magbabayad kung lagi naman nilang nakikita ang mga ito sa social media na lahat na lang ng galaw nila ay naka-post.
Well, wait natin kung mabilis mauumay ang fans sa mga Oppa na talaga naman kinababaliwan ng Pinoy fans sa kasalukuyan.
- Latest