Robin hinarana si Imelda
Marami ang nagulat sa pagtatapos ng The Queen @ 45 concert ni Imelda Papin nung Sabado sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ay biglang lumitaw si Robin Padilla na may dala-dalang gitara. Obviously he was there to participate in the celebration of the 45th year ng pagiging singer ni Imelda. Apparently, may performance siya dahil may dala siyang gitara. Akala nga ng lahat ay isang impostor siya dahil ang action screen hero ay hindi nagku-concert pero, siguradong in-invite siya dahil bakit siya pupunta? But he was there, maski si Imelda ay napaiyak sa presence niya.
Kumanta siya ng dalawa, ang una ay ang Buwan ni JK Labajo, sinundan niya ito ng Wonderful Tonight, ayun, dumagundong ang Philippine Arena na gaya nang nagaganap kapag nagugustuhan ng manonood ang nagpi-perform. Gaya nang kumanta sina Pilita Corrales, Darius Razon, Marco Sison, Claire dela Fuente, Eva Eugenio at marami pa.
Patok din ang segment where Imelda sang her old hits, umiyak yung mga katabi ko. Paano hindi gaganda ang show ay may live band headed by Mel Villena, mayro’n ding magagaling na back up singers and dancers. May suporta rin si Imelda ng pamilya niya, kumanta ang kapatid niyang si Aileen Papin, ang anak niyang si Maffi Papin, ang tatlong anak na lalaki ni Maffi at apo ng Jukebox Queen na sina Zac, Keif and Xavier. Kumanta ang tatlo bilang patunay na namana nila ang talento ng ina’t lola nila. Most applauded ang panganay na si Zac, look alike ng kanyang ina with his blonde hair. He has been offered several product endorsements pero, ayaw ni lola, mag-aral daw muna siya. Ang sigurado lang may nth generation Papin na.
Sa kabuuan, matagumpay ang The Queen @ 45, sa box-office at sa content ng concert, salamat sa maraming INC members na sumuporta. Baka sumunod ang Box-office Queens concert nina Imelda, Claire at Eva sa PA. Patok ang pagba-banter nilang tatlo sa stage.
Hindi nagawang painitin ng mahigit sa 50,000 manonood ang lamig ng aircon ng PA. Ang daming gininaw sa loob ng arena.
Christian laging bitbit ang misis
Pumapatok ang The Clash sa dami ng mga sumasali na magaling nang kumanta ay mukhang artistahin pa. Ito ay sa kabila ng pagiging masyadong istriktong judge ni Christian Bautista. Mas mahigpit pa siya kaysa kay Lani Misalucha. Pero gusto lamang niya na maitaas ang kalidad ng kanilang singing competition. Wala nga silang gong na katulad ng sa Tawag ng Tanghalan pero, mayro’n naman silang double elimination na mabilis magbawas ng bilang ng mga contestant. Mabilis mainip ang manonood sa mahabang proseso ng eliminations. Sa double eliminations, napapabilis ang pagbabawas ng mga kalahok sa pares-pares lamang ang naglalaban, Pero, mayro’n din itong wild card para masiguro na makakabalik yung mga nai-eliminate na mga more deserving to advance sa susunod na eliminayon.
Christian wants to bring his wife always with him sa competition. Gusto niyang ma-enjoy nito ang trabaho niya bago man lamang sila mag-isip na magdagdag ng bilang ng kanilang pamilya which is next year na.
Rita graduate na sa supporting roles
Tuwang tuwa naman si Rita Daniela na naka-graduate na siya sa pagganap niya bilang kaibigan, sidekick at suporta ng bida sa mga projects niya. After 13 years, nagbibida na siya at may ka-loveteam pa in the person of Ken Chan. Pumatok sila sa My Special Tatay at ngayon sa One of the Baes na malakas na sinusuportahan ni Roderick Paulate. HIndi niya rin akalain na may gustong makita silang maghost ni Ken ng isang singing competition tulad ng The Clash, pero, ayun ay love sila ng manonood at maging ng mga kalahok na nagiging kaibigan nila.
Pacman naghahanda na sa pagpa-pangulo?!
Advantageous para kay Sen. Manny Pacquiao ang pagggawa ng isang historical movie na Malvar na kasisimula pa lamang ng principal photography pero,may kasunod agad na Hollywood movie na Freedom Fighters. Parehong big budgeted ang dalawang films na ang ikalawa ay in dollars pa. Makakatulong ang mga ito sa kampanya ng senador bilang pangulo ng Pilipinas sa susunod na eleksyon. Lalaki ang campaign money niya at maging ang exposure niya.
- Latest