^

PSN Showbiz

C1 parang kailan lang

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
C1 parang kailan lang

Wow nakaka-15 years na pala ang Cinema One Originals sa pagbibida ng mga kakaibang pelikula at pagbibigay ng kakaibang karanasan. At sa loob ng 15 taon, nagbigay-daan din sila para makapag­hatid ang mga baguhan at mga batikang direktor ng kani-kanilang mga obra.

Ngayong 2019, walong orihinal na pelikula ang nakakuha ng P3 milyon para mabuo ang kanilang mga pelikula.

 Unang pelikula ni J.E. Tiglao ang Metamorphosis na pinagbibidahan nina Gold Aceron, Iana Bernardez, Ivan Padilla, Ricky Davao at Yayo Aguila na isang coming-of-age drama tungkol sa isang batang intersex.

Iibahin naman ni Dustin Celestino ang genre ng noir sa tulong ng isang comet sa Utopia,  isang black comedy riff off tampok sina Enzo Pineda, Joem Bascon at Aaron Villaflor.

Gothic horror naman ang handog ni Eve Baswel sa Tia Madre kasama sina Cherie Gil at Jana Agoncillo na iikot sa istorya ng pagdududa ng isang batang babae na nagbago ng pagkatao ang kanyang ina.

Sa Yours Truly, Shirley ni Nigel Santos, bibida si Regine Velasquez bilang isang biyuda na naniniwalang ang isang baguhang pop star na gagampanan ni Rayt Carreon ay reinkarnasyon ng namatay niyang asawa.

Nagbabalik din sa ika-15 edisyon ng C1 Originals sina Victor Villanueva at Kevin Dayrit.

Mula sa My Paranormal Romance, patuloy na ipapakita ni Victor ang pagkamangha niya sa pagsasama ng romcom at kahiwagaan sa Lucid, kung saan bibida si Alessandra de Rossi at JM De Guzman.

Si Kevin Dayrit naman na nasa likod ng pelikulang Catnip, tatalakayin ngayong taon ang mga bampira, necrophilia at away sa droga sa O na tampok sina Anna Luna, Lauren Young, at Jasmine Curtis-Smith.       

Si Giancarlo Abrahan na dati nang nanalo ng Best Picture sa C1 Originals para sa pelikula niyang Paki, ay nagbabalik din sa kompetisyon bitbit ang obra niyang Sila-Sila. Bida sa pelikula sina Gio Gahol at Topper Fabregas.

Kasali rin sa kompetisyon ang Tayo Muna Habang Hindi Pa Tayo ni Denise O Hara na pinagbibidahan nina Jane Oineza at JC Santos na hihimayin ang malalim na trauma na dala ng pag-ibig.

Mapapanood ang mga pelikulang kalahok sa ika-15 C1 Originals mula Nobyembre 7 hanggang 17 sa Trinoma, Glorietta, Ayala Manila Bay, Gateway, at Powerplant Makati. Mapapanood din ito sa Vista Cinemas sa Iloilo at Evia Lifestyle at sa Cinema Centenario, Cinema ‘76, Black Maria, UP Cine Adarna, at FDCP Cinematheque Manila.

CINEMA ONE ORIGINALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with