^

PSN Showbiz

DZBB Trabaho Negosyo Fair, dadayo sa Malolos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling magbibigay ng maraming opportunity sa mga Pilipino ang Super Radyo DZBB ngayong darating na Martes, October 22, para sa ikatlo nitong Trabaho Negosyo Fair (TNF) na gaganapin sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Sa ikaapat nitong taon, ang mega job fair na may kasaling mahigit sa 70 na kompanya at overseas placement agencies, ay magkakaroon din ng programa para sa small and medium enterprises (SMEs) na naglalayong makatulong sa kanilang negosyo at magbigay ng payo tungkol sa financial success at national development.

Magkakaroon din ng business seminars para sa mga Pilipinong nais magtayo ng kanilang negosyo: Business 101, 10 a.m. by UP-ISSI; Accounting for Non-Accountants, 12:30 p.m; at ang livelihood training na hatid ng City Training Employment and Cooperative Office (CTECO) of Malolos, na magtuturo ng soap-making at hilot wellness.

May help desks din ang iba’t ibang partner government agencies ng Super Radyo DZBB na PhilHealth, SSS, NBI, PSA, at Pag-IBIG  upang magbigay ng assistance sa mga job applicant na mangangailangan ng basic government IDs at documents.

Magbabahagi naman ng legal advice ang mga abogado ng Sumbungan ng Bayan. Bukod pa rito,  may free printing station pang ihahanda ang DZBB para sa mga resume.

SUPER RADYO DZBB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with