Nakiramay, gusto sanang pagbatiin ang magkakapatid Pres. Digong naging saksi sa teleserye ng buhay ng mga Barretto!
Nakaka-sad naman ang kuwento sa wake ni Mr. Miguel Barretto.
Naging controversial nga ang pakikiramay ni Pres. Rodrigo Duterte sa ama nina Gretchen, Marjorie and Claudine Barretto sa Heritage Park noong isang gabi.
Diumano kasi ay naging saksi ang presidente sa serye ng totoong buhay ng pamilya Barretto.
Ayon sa source, sinubukan pang pagbatiin ni Pres. Digong ang magkakapatid na Gretchen at Marjorie pero wala raw nangyari.
Ang kuwento ng source : nagagalit daw kasi si Marjorie nang dumating si Gretchen at nataon na naghihigpit ang PSG sa mga taong papasok sa wake ng kanilang ama. Given na kasi ‘yun dahil andun ang presidente na kasamang dumating sina Sen. Bong Go and presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo.
Pagpasok daw ng loob ng chapel ng Heritage ay kinausap ni Pres. Digong sina Mommy Inday Barretto, Gretchen (na kasunod umanong dumating ng presidente with businessman Atong Ang) and Claudine.
Sa family room daw ng chapel kung saan nakahimlay ang ama ay nagagalit si Marjorie na nakita ni Pres. Digong dahil nga biglang umeksena si Gretchen.
Doon daw sinubukang ayusin ng presidente ang magkakapatid. Pero ‘di pumayag si Marjorie.
Pero diumano ay naging palaban ang isang pamangkin ni Gretchen na si Nicole, anak ng kapatid nilang si Jayjay.
Akma raw nitong sasampalin si Gretchen pero nahawakan ito ni Gretchen kaya nauwi sa sa sabunutan.
Sinubukan daw talagang ayusin ni Pres. Digong at ng kanyang PSG ang awayan ng magkakapatid.
Napasigaw pa raw si Julia at Leon na parehong anak ni Marjorie at feeling daw ng mga ito ay set up ang nangyari.
May mas malalim umanong dahilan ang away nina Gretchen at pamangkin nitong si Nicole.
Nauna nang nag-upload si Claudine ng “And then,We are Complete @gretchenbarretto im so Proud of u.I admire & luv u more today #doubleinfinity #thatsmyAte WELCOME HOME”
Nagpasalamat din siya kay President Duterte, Sen. Go and Atty. Panelo sa pakikiramay sa kanilang pamilya. “Thank you Mr.President its an Honor to have u pay your Respects to my Dad.Godbless u Mr.President, Senator Bong Go & Atty.Panelo.”
Samantala, matagal ding hindi nag-usap ang kanilang inang si Mrs. Inday Barretto at ang anak na si Gretchen. Pero nang dumating ito sa lamay kasunod ni Pangulong Duterte ay nagyakap sila ng ina.
Ang kuwento pa ng source, diumano ay dumalaw si Gretchen nang malaman daw ng socialite na dadalaw ang pangulo. Totoo kaya ‘yun?
Aside from Atong Ang, may entourage umano ito ng dumating sa Heritage.
Almost seven years na ang ayaw ng mag-ina na umabot pa sa matinding sagutan sa social media.
Anyway, wala namang update si Gretchen sa kanyang social media account tungkol sa pagdalaw niya sa ama.
- Latest