Claudine at Marjorie nagluluksa sa pagpanaw ng ama!
Gretchen hindi nakitang dumalaw, Rufa Mae nagbebenta ng mga ‘naipong’ birkin bag at mga alahas
MANILA,Philippines — Pumanaw na kahapon ng hapon si Mr. Miguel Barretto, ang tatay nina Gretchen, Marjorie and Claudine Barretto.
Ilang linggo na rin itong nasa ICU (Intensive Care Unit) dahil diumano sa chronic obstructive pulmonary disease/emphysema.
Ito nga raw ang naging rason kaya naputol ang pagpapa-detox sa Thailand ni Claudine.
Pinag-usapan lang kahapon ng tanghali nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu sa Take It...Per Minute! (Me Ganun) ang hindi pagdalaw ni Gretchen Barretto sa amang namayapa. Actually last week pa ito tinalakay sa Take It...
Nabalitaan kasi nila sa isang source na malapit kay Gretchen na mas inuuna nito ang pagpunta sa Manila Arena, ang sabungan na pag-aari ng kaibigan nitong si Atong Ang, na makikita rin naman sa kanyang IG account.
Ang kinatataka lang ng mga beteranang mga host ng no. 1 digital talk show ay kung ano at gaano ba kalalim o kalala ang naging alitan nina Gretchen at mga magulang para tikisin ni Gretchen ang amang may sakit at namatay sa edad na 82.
Ano nga kayang ‘galit’ ni Gretchen at natiis niya ang ama?
Maraming naniniwala na hindi niya dinalaw ang tatay dahil kilalang ma-social media ang inactive actress. Tiyak daw ‘di nito palalampasin ang chance na magkaroon ng souvenir photos sa ama na may sakit kung dumalaw ito.
Anyway, si Claudine ang nag-confirm sa pagpanaw ng ama nila kahapon. “Never knew I could hurt like this... Good bye, DADDY,” ang IG story ni Claudine na kilalang maka-magulang.
Magkakasama ang pamilya Barretto sa last breath ng ama base sa video ni Claudine na uploaded sa kayang IG account na may caption na “We luv u Dad.’
Deepest condolonces sa pamilya Barretto.
Anyway, moving on, pinag-usapan din nila sa episode 35 ng Take It... ang sinulat na tula ni Bea Alonzo para sa kanyang 32nd birthday.
Hindi kalaliman, pero klaro ang message na handa na siya uling lumipad pagkatapos mapunit.
“Sa mga karanasang akala mo’y nangwawasak
‘Yun pala’y binubuo tayo para sa muling pagbagsak
Sa buhay na nagpapaalala na ikaw ay buhay
Ang buhay na mayroong itaas at ibaba
Dahil sa muli mong pagdapa
Mayroon nang mga yayakap sa ‘yo
Palilibutan, poprotektahan mula sa silakbo ng bagyo,” ilang part ng kanyang tula entitled Muli.
Kuwento rin kasi ng source na totoong sinasabi ni Bea na hindi na siya affected sa nangyari, pero nama-manifest daw ang epekto nito sa kanyang skin.
True kaya ‘yun?
By the way, blind item sana, pero pinangalanan ni Manay Lolit si Rufa Mae Quinto na nagbebenta ngayon ng mga bag at alahas sa mga kaibigan.
Isa si Rufa Mae sa mga artistang maraming birkin bag at alahas dahil nga naging indemand din siya noong kanyang kasikatan.
Anyway, pasensiya na lang kahapon sa mga nag-abang dahil dalawang beses kaming nagkaroon ng broadcast interruption dahil sa signal ng internet.
At napuputol ang show tuwing si Gretchen ang topic ha. Hahaha.
Kaya nga sabi ni Manay Lolit, naku ‘wag nang pag-usapan si Gretchen.
Anyway, may offer na rin ang Take It... na mag-show sa Canada.
Bongga.
Kaya sa mga hindi pa nakapanood ng episode 35 ng TIPMMG, maki-Team Replay na sa Facebook Page ng Pilipino Star NGAYON at panoorin ang masayang tsikahan ng tatlong beteranong host na laging overtime dahil nga kinakapos sila sa isang oras na balitaktakan.
Salamat din sa mga hindi bumibitiw na manonood lalo na ‘yung mga nasa abroad.
- Latest