^

PSN Showbiz

Sikat na aktres pinatago sa closet ang aktor na kasama sa kuwarto nang dumating ang karelasyong pulitiko

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang muling pagkikita-kita ng magkakaibigang nagtrabaho nu’n sa poder ng isang sikat na female personality ay marami silang naalalang anekdota tungkol sa pinaglingkuran nilang aktres.

Ang dami-dami, halakhakan sila nang halakhakan sa pagbabalik-tanaw, hindi maubos-ubos ang kanilang mga kuwento tungkol sa sikat na babaeng personalidad.

Kuwento ng isang source sa umpukan, “Open-secret naman ang relasyon nila ng isang kilalang politician, di ba? Hindi na bago ‘yun, totoong matagal silang naging magkarelasyon!

“E, one time, dumating nang walang pasabi ‘yung politician, nabigla silang lahat nu’ng sabihin ng security guard na nandu’n daw ang pulitiko!

“Hindi nila alam ang gagawin, kasi nga, nandu’n sa kuwarto niya ang isang male personality na ka-close niya. Pinagseselosan ‘yun ng politician! Marami na kasing naririnig na kuwento ‘yung politician na nililigawan daw siya!

“Nakakaloka! Pinagtago niya ‘yung male personality sa closet niya! Dalawang oras na nakatago ‘yung guy sa closet, para kasing nananadya ‘yung politician, ayaw umalis!

“Nakakaloka ‘yung eksenang ‘yun! Siguradong magkakaroon ng shooting ng action movie kung nakita nu’ng pulitiko ang male personality na action star ding tulad niya!” tawa nang tawang kuwento ng impormante.

Pag-alis ng pulitiko ay saka lang nakalabas sa kanyang closet ang guwapong male personality, basang-basa ng pawis, sorry nang sorry sa kanya ang ninerbiyos ding sikat na female personality.

Nu’ng minsan namang bumiyahe sila sa isang malayong probinsiya para sa isang show ay inabutan ng tawag ng kalikasan ang sikat na aktres. Madawag ang lugar, walang mga kabahayan, kaya dyuminggel ang sikat na aktres sa tabi ng daan na maraming talahiban.

Pagdating nila sa venue ay nagka­gulo na ang mga tao, talagang sikat na sikat nu’n ang female personality, para siyang dinadambana ng ating mga kababayan.

Sabi ng isang source sa umpukan, “Nu’ng umakyat na siya sa entablado, e, hindi na naririnig ang boses niya, puro tilian at palakpakan na lang ang maririnig. Ganu’n siya katindi!

“Sabi ko sa katabi ko, ‘Tingnan mo nga naman, alam ba ng mga fans niya na kanina lang, e, dyuminggel siya sa may talahiban? Ang tanong ko, naghugas ba siya o nag-alcohol pagkatapos niyang umihi?’

“Wala nang makapapantay sa kasikatan niya! Pagsama-samahin man natin ang mga sikat na artista ngayon, e, walang makakakabog sa popularity niya, nag-iisa lang siya!” madiing pagtatapos ng source sa umpukan.

Ubos!

Tatay ni Nadine ‘di napanindigan ang pasa­ring kay Kathryn?!

Pinuputakti ng pamba-bash ngayon ang ama ni Nadine Lustre. Ito ang unang pagkakataong umeksena si Mr. Ulysses Lustre na mas kilala sa katawagang Papa Dong pero nati­yempuhan pa siya ng mga bashers.

Nagpaliwanag na siya na wala siyang direktang pinariringgan sa kanyang mga posts, pero hindi naniniwala ang mga tagasuporta nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang dalagang aktres daw ang tinutukoy ng ama ni Nadine.

Ang punto ng diskusyon ay ang litanya ni Papa Dong, ang kanyang FB post, “What’s on your mind? I guess it means that I’m entitled to rant once in a while. Here it goes.

“I’m Flop and you’re High Gross, what are you afraid of? You feel so threatened, you’re desperate to break US apart. I hope someday you get what you deserve. What comes around goes around.”

‘Yun ang pinagdududahan ng mga fans ng KathNiel na parunggit ng ama ni Nadine sa kanilang idolong si Kathryn. Natural, nagkaisa ang mga ito na upakan ang ama ni Nadine sa social media, kaya nagpaliwanag si Papa Dong na hindi ganu’n ang ibig niyang tukuyin.

Gusto na lang naming isipin na ama si Mr. Ulysses Lustre na nasasaktan din sa mga salitang ibinabato laban sa kanyang anak na si Nadine. Sumasakit din ang kanyang loob, sumusugat sa puso niya ang mga salita, kaya napilitan siyang idepensa ang kanyang anak.

At kahit sinong magulang ay ganu’n din ang gagawin kapag ang anak na nila ang halos luray-lurayin. May utak tayo para maglabas ng saloobin, may bibig tayo para makapagsalita, anumang desisyong gawin natin ay siguradong merong motibo.

Depende na lang ‘yun kung paninindigan o iiwasan ng nagsalita.

PULITIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with