^

PSN Showbiz

ABS-CBN, nais ibida ang mga dokumentaryong gawa ng estudyante

Salvi V. Asis - Pilipino Star Ngayon

May pagkakataon na uling mapansin ang husay sa pagku-kwento at pagkuha ng video ang mga college students dahil pwede na nilang ipasa ang kanilang mga gawang dokyumentaryo sa Class Project: Intercollegiate Mini-Documentary Competition.

Tulad sa nakaraang dalawang taon, nagsanib-pwersa ang ABS-CBN, Knowledge Channel at Philippine Association for Communication Educators (PACE) para sa Class Project, na naghihikayat sa mga estudyanteng gumawa ng mga dokyu na nagpapakita sa totoong buhay ng mga Pilipino kasabay ng pagpapalabas nito sa mga platforms ng ABS-CBN.

Bukod dito, tatanggap din ang top three entries ng cash prizes at tropeo.

Puwedeng sumali sa contest ang mga estudyante sa mga kolehiyo o unibersidad na kasapi ng Philippine Association for Communication Educators (PACE). Kailangang ang video nila ay naglalahad ng mga magagandang asal na itinataguyod ng Knowledge Channel tulad ng katarungan sa lipunan, serbisyo, integridad, at nasyonalismo at may habang 12 hanggang 15 minuto. Last day ng submission ng entry ay sa Nobyembre 29, 2019.

Maaaring makita ang buong mechanics sa www.pinoymediacongress.com at Pinoy Media Congress facebook page (https://www.facebook.com/abscbnpmc/). Pwede ring magpadala ng mga katanungan sa [email protected].

Noong 2018, umere ang itinanghal na top three entries sa Knowledge Channel, ANC, at malapit na rin itong ipalabas sa ABS-CBN. Napunta ang first prize sa Pasan ng University of the Philippines-Diliman, second prize sa Silang Walang Daan ng Lyceum of the Philippines-University-Laguna, at Labay Ku ng Far Eastern University.

 Paparangalan ang winners sa Pinoy Media Congress Year 14 sa 2020, na isa ring proyekto ng ABS-CBN at PACE.

Actually suwerte ang mga estud­yante ngayon. Puwede na agad silang mag-experiment sa kanilang pagkagiliw sa mga gadget, magkaka-premyo pa sila.

CLASS PROJECT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with