^

PSN Showbiz

Boses ni Nora hinahanap ng fans

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Sa October 7 ang pilot telecast ng Madrasta, ang biggest television break ni Arra San Agustin na ipapalit ng GMA-7 sa Dahil sa Pag-Ibig na magwawakas sa darating na Biyernes. Lead actor ng Madrasta si Juancho Trivino.

SCENE: Maikukumpara sa role ni Coney Reyes sa 100 Days to Heaven ang bida contravida character ni Judy Ann Santos sa Starla. Ang 100 Days... ang top-rating drama series ng ABS-CBN noong 2011 at ang Starla ang inspirational primetime drama show ni Judy Ann simula sa October 7. 

Si Raymart Santiago ang isa sa mga co-star ni Judy Ann na ikinuwento na unang dumating ang offer sa Starla pero nauna ang guesting niya sa FPJ’s Ang Probinsya­no.

SEEN: Markado ang role ng child actor na si Enzo Pelojero sa Starla at siya ang first choice na gumanap sa karakter ni Buboy. Sinabi ng direktor nila na sadyang isinulat para kay Enzo ang role nito dahil nakitaan siya ng husay sa My Dear Heart.

SCENE: Pinagdududahan ang sexual pre­ference ng isang young actor dahil sa kanyang mahinhin na mga kilos at boses-babae na pagsasalita.

SEEN: Sa lahat ng mga nanalo noon sa Tawag ng Tanghalan, si Nora Aunor ang pinakamatagumpay kaya pinanghihinayangan dahil hindi na siya kumakanta ngayon. Marami pa rin ang nanonood at nakikinig sa YouTube ng mga old recording niya dahil nami-miss nila ang golden voice ng singer-actress.

SCENE: Ngayong gabi ang pilot telecast ng One of the Baes ng GMA-7. Si Roderick Paulate ang isa umano sa mga dahilan kaya dapat panoorin ang One of the Baes dahil ipinakita niya uli ang kanyang husay sa comedy.

vuukle comment

ARRA SAN AGUSTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with