^

PSN Showbiz

Komedyante na napasukan na ng hangin ang ulo, nauna ang kayabangan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa aminin at sa hindi ng isang komedyante ay totoong nakargahan na ng hangin ang kanyang ulo dahil sa atensiyong tinatanggap niya ngayon.

Culture shock kasi ang nangyari sa kanya. Mula sa isang pagiging ordinaryong mamamayan sa kanilang probinsiya ay natututukan na siya ng mga camera, kumikita nang malaki, pinapalakpakan sa kanyang mga pagkokomedya.

Nakakapanibago nga naman ang dating paghiga lang sa sahig na ngayon ay malambot na kutson na ang kanyang ginagamit sa pagtulog.

Dating kasama sa isang programa ang komed­yanteng ito. Natuwa sa kanya ang mismong host, kalahok lang siya nu’n sa nasabing programa, pero hindi siya nagtagal.

Kuwento ng isang source na nakakuwentuhan namin, “Tinanggal siya sa show, hindi totoong siya ang nagpaalam. Hindi nagustuhan ng staff ang mga pinaggagagawa niya.

“Marami siyang idinadahilan kapag late siyang nagre-report sa trabaho, hindi siya nauubusan ng katwiran, nakarating sa main host ang reklamo ng production staff.

“Kung ang main host nga naman, e, napakaagang nandu’n para sa rehearsal, siya pa ba namang binigyan lang ng chance na maging part ng show ang palaging magpapaka-late?

“Ano ang ine-expect niya, siya pa ang hihinta­yin? Saka mahilig siyang maglakwatsa, e, alam niya namang may trabaho siya kinabukasan!

“Marami siyang pinagkakaabalahang kapritso, napabalita pa ngang nagbibisyo siya, di ba? Kaya ayun, natanggal siya sa game show!” umpisang kuwento ng aming source.

Lumutang din ang kawalan ng utang na loob ng komedyante, siya na nga ang nagkulang ay parang siya pa ang nagmamalaki, ni hindi nga niya sinisilip ang taong pinag-ugatan ng lahat ng mga biyayang meron siya ngayon.

Kuwento naman ng isang impormante, “Lalong lumaki ang ulo niya nu’ng bigyan siya ng show ng network, tapos, may sumugal pang bigyan siya ng movie na siya talaga ang bumibida.

“Kaso, sa kataklesahan niya, e, minaliit at pinintasan niya ang pelikula ng kasabayan niyang komedyante rin. Ano ang nangyari?

“Juskoday, puwedeng maging venue ng karera ng kalabaw ang mga sinehang pinagpapalabasan ng movie niya. Flop! ‘Yung pinintasan niyang movie, ‘yun ang kumita nang malaki!

“Kaya huwag kasing nauuna ang kayabangan! Ilapat ang magkabilang paa sa lupa! Bago pa siya damputin sa basurahan!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Maraming artista umiinit na rin ang ulo sa matinding traffic

Sinong Pinoy ba ang hindi umiinit ang ulo ngayon sa matinding traffic? Sa araw-araw naming pagbiyahe ay wala na kaming nakikita sa paligid kundi mga driver na nagkakamot ng ulo, mga pasaherong nag-iinit ang bumbunan, dahil sa sobrang traffic na napakalaking abala sa ating buhay at trabaho.

Tatlo lang ang senaryong pamimilian natin kapag bumibiyahe na tayo. Una, merong nagaganap na libing, kaya usad-pagong lang ang takbo ng sasakyan. Ikalawa, sumusunod tayo sa isang santacruzan, kaya pakadyut-kadyot lang ang andar ng ating sasakyan.

Ikatlo ay isang mahabang prusisyon ang ating sinusundan, pulang-pula ang kabahaan ng kalye, dahil sa madalas na pagpepreno ng piloto.

Luma na ngayon ang katwiran na kailangan na­ting umalis nang maaga sa bahay para makarating tayo sa tamang oras sa ating desitinas­yon. Gasgas na linya na ‘yun ngayon dahil kahit saang kalye ka dumaan ay barado pa rin ang daanan dahil sa sobrang traffic.

Kailangan na talagang kumilos ang ating mga tagapamuno para maibsan man lang ang ganitong kalagayan ng mga kalye kundi man nila masosolusyunan nang isandaang porsiyento ang matinding problemang ito.

Tama lang ang panaghoy nina Sharon Cuneta, Regine Velasquez at Angelica Panganiban. Kailangan na talagang gawin ng pamahalaan ang pinakaalam nilang paraan para hindi nagagalit ang sambayanan.

Ilang krimen na ba ang naganap nang dahil sa matin­ding traffic? Ilang road rage pa ba ang kailangang mangyari para mabig­yan ng solusyon ang ganitong katinding problema sa kalye?

KOMEDYANTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with