^

PSN Showbiz

Paulo mabilis ang career

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Paulo mabilis ang career

May project para sa iWant TV ang Hashtags na si Paulo Angeles, ang Taiwan That You Love kasama si Barbie Imperial.

Bago ito ay naging bahagi siya ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP). Naging maganda ang resulta ng pelikula niyang G! kasama ang mga kapwa niya Hashtags na sina McCoy de Leon at Jameson Blake. Magkakaroon din siya ng bagong serye sa TV.

Mayroon sigurong magic si Paulo among his dancing group para mapaiba at ma­ging mas mabilis ang journey niya patungo sa stardom. Nakakaramdam na rin siya ng intriga at gulo na dulot ng showbiz, gaya nang maintriga siyang nakasamaan ng loob ang isa niyang kasamahan sa pagsasayaw.

Anyway, si Barbie pa ang nagsilbing guide niya sa mga maiinit na kissing scenes nila sa serye ng iWant. Pero, hindi nababahala dito ang bagong artista. Naniniwala siya na in time, matututunan din niya ang mga dapat niyang malaman tungkol sa kanyang trabaho, mawawala rin ang nerbyos niya at magagampanan ng mahusay ang mga roles na ibinibigay sa kanya. Tulad ng naganap sa Taiwan....

Salamat sa tulong nina Berbie at ng direktor nilang si Theodore Boborol at hindi mapapansin ang pinagdaanan niyang awkwardness.

Mapapanood na ang Taiwan That You Love sa buwang ito. 

Zanjoe third wheel na naman

I’m sure, third wheel na naman si Zanjoe Marudo sa balik-tambalan project nina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria para sa iWant TV na My Single Lady. Dumarami ang mga palabas sa iWant na sinusubaybayan ng marami, siguro dahil sa hindi karaniwan ang mga kuwentong napapanood dito bukod pa sa medyo pang mature audience ang mga palabas, tulad ng katatapos na ipalabas na Bagman, Gorgeous, Call Me Tita at Past, Present Perfect.

Hindi ko nai-enjoy panoorin ang mga ito na kasama ang mga apo ko dahil hindi pang-age nila ang mga palabas.

Moira sasabak na rin sa pelikula

Kung yung kantang Buwan ni JK Labajo ay nagdaragdag ng interes at lakas sa movie na unang tambalan nina Carlo Aquino at Maine Mendoza na may pamagat na Isa Pa with Feelings, lalo na siguro ang movie na gagawin ni Moira dela Torre na magtatampok hindi lamang ng isa niyang kanta kundi several of her hit songs.

First venture ito ni Moira sa pag-arte at naniniwala ang mga supporter niya na maitatawid niya ito nang matagumpay. Kailangan na lamang niya ay isang perfect leading man na makakatulong niya sa pagpapakilig ng manonood.

Pinakakaabangan din sa Himig Handog ang gagawin nila ni Daniel Padilla na pag-interpret ng isa sa entries. Magaganap ang finals ng pakontes para sa mga composer sa ASAP.

Center sa mga barangay hindi na pinapansin!

After dengue at polio, ngayon naman ay diptheria ang kinatatakutan ng marami na lumaganap sa bansa. Nung araw, automatic na pagdating sa isang panahon ng mga sanggol at mga bata ay kinakailangan na silang bigyan ng dosage ng DPT (Diptheria, Pertussis at Tetanus). Isinasagawa ito ng ating mga puericulture centers.

Tila wala nang nagsasagawa nito at nanghihikayat sa mga mamamayan ngayon na samantalahin ito dahil libre at kailangan para sa proteksyon ng mga bata.

Nangyayari pa ba ito ngayon? Kakaunti nga sa ating mga mamamayan ang nakakabatid na mayro’n tayong mga center na pwede nating puntahan sa ating mga pangangailangang medikal. Tsk. Tsk. Tsk.

PAULO ANGELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with