^

PSN Showbiz

Bong mabilis nakiramay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bong mabilis nakiramay

Lalo akong nakadama ng pagmamahal kay Bong Revilla, Jr. dahil sa mga ginawa niya sa pagkawala ni Isah Red.

Si Bong ang unang-unang nagpadala ng tulong dahil nga nagkakaroon ng konting problema sa pag-aayos sa mga labi ni Isah.

Sa unang gabi ng lamay, nagtagal sa Sta. Rita de Casia church si Bong at ang kanyang misis na si Lani Mercado.

Ang pagdamay at hindi paglimot sa isang kaibigan ang pagpapakita ni Bong ng pagmamahal niya sa mga nagmamahal sa kanya.

Ito ang katangian ni Bong na minahal ko sa kanya. Bilang tao, may mga pagkakamali siya na nagagawa dahil sa napakaraming tukso.

Puwedeng for sometime nanghina rin si Bong pero ilalaban ko na kahit kailan, hindi siya matutukso sa pera.

Puwedeng maging incompetent si Bong sa ibang bagay, puwedeng nagpikit-mata siya dahil sa sobrang tiwala sa tao pero hinding-hindi niya gagawin ang magnakaw.

Ngayon ang birthday ni Bong. Ibinigay sa kanya ni God ang isang napakagandang regalo, ang second chance sa career niya bilang senador.

Ibinigay sa kanya ni God dahil siguro alam Niya na hindi ito sasayangin ni Bong. Anuman ang sabihin ng bashers niya, ng mga tao na nakikita lamang ang mali at kapintasan ng kapwa, answerable lamang siya kay God ang ta­nging  responsibilidad ni Bong.

Kung hindi siya magiging mas matatag, ito ang mas malaking pagkakamali na magagawa ni Bong. Envy can kill, at ‘yung mga patuloy na naiinggit dahil mahal na mahal ni God si Bong, bahala kayo.

Basta si Bong will soar even higher, fly farther, and you will continue to envy him even more. Happy birthday Bong, I will always love and trust you because you are special and will always be special.

Ken at Rita nakakainis ang pagiging faney!

Kaloka at kainis ang nalaman ko nangyari sa isang airport sa Mindanao na pinuntahan ng ABS-CBN at GMA 7 stars.

Karapatan naman ng kahit sinong tao ang hindi pansinin ang mga  bumabati sa kanila, okey lang ‘yon dahil kung ayaw mo ‘di huwag di ba?

Mas mabuti nga ang ganoon dahil walang plastikan pero ang maituturing na kabastusan, ‘yung nilapitan ka na at nagpakilala sa ’yo, lalo pa’t kapwa  artista, siguro naman hindi ganoon kamahal ang ngiti lalo na kung kasamahan  sa trabaho pero dinedma pa rin.

Kapag nakita ko sina Ken Chan at Rita Da­niela, talagang pagsasabihan ko sila dahil you are how you treat yourself.

Okey, totoo man na gusto nila at fan sila ng pagiging vlogger ni Alex Gonzaga, just admire her from a distance.

Ang kuwento kasi nang magkasabay at magkita-kita sila sa Mindanao airport, nilapitan nina Ken at Rita si Alex.

Sinabi nila na fans sila ng vlogsite ni Alex na tumango lamang daw at parang dedma. Wow. Snob? Big star?

Actually kina Ken at Rita ako nainis. Mga artista rin ang dalawa kaya hindi sila dapat umarte na parang bigger star si Alex.

Naku, tingnan nga natin kung kanino malakas ang tili ng fans kapag nasa gitna ng crowd sina Ken, Rita at Alex.

Sure ako na mas malakas ang tili kina Ken at Rita kesa kay Alex. Taray.

JR

BONG REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with