^

PSN Showbiz

Martin hindi inaasahan ang nangyari sa Panti…!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Martin hindi inaasahan ang nangyari sa Panti…!
Martin del Rosario

Palabas pa rin sa mga sinehan ang pelikulang The Panti Sisters na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario. Isa ito sa mga proyektong kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na ginanap noong isang linggo.

Malaki ang papasalamat nina Martin at Christian dahil sa naging mainit ang suporta ng mga manonood sa kanilang pelikula. “Sobrang blessed and thankful, grabe! Ako, hindi ko lubos inakala na aabot kami sa ganito. Para akong nasa cloud 9. Ang galing,” bungad ni Christian.

“Ako rin, hindi ko ini-expect ‘yung ganitong suporta kaya naman grabe ‘yung appreciation at lahat ng nanood at sumuporta para sa film,” dagdag naman ni Martin.

Para sa dalawang aktor ay siguradong naka-relate ang maraming manonood sa kanilang pelikula dahil sa napapanahong usapin tungkol sa LGBTQ.

“Personally kitang-kita ko ‘yon sa mga tweets, ‘yung thought nila about the issues. Sobrang happy and sobrang sarap sa pakiramdam na, naihatid namin nang maayos ang mensahe namin na gusto naming ibahagi sa mga tao,” paglalahad ni Christian.

“Sana doon sa mga hindi pa rin gano’n kabukas ang isipan, maging mas bukas na sa pamamagitan ng ganitong mga paraan, mga film,” giit ni Martin.

Masayang-masaya rin si Martin dahil siya ang nakasungkit ng Best Actor award sa PPP 2019. “Sabay-sabay na nga eh. Bukod sa top grosser na ‘yung film sa Pista ng Pelikulang Pilipino, Best Actor pa, kaya thank you Lord. Siyempre kaming tatlo talaga ang best actor, si Paolo and Christian. Sa aming tatlo ‘yon,” pagtatapos ng aktor.

Nora nagpasalamat sa mga nagbigay sa kanya ng magagandang pelikula

Ikinatuwa ng mga tagahanga ni Nora Aunor ang pagbabalik nito sa paggawa ng pelikula. Kasama ng nag-iisang Superstar sa pelikulang Isa Pang Bahag­hari sina Zanjoe Marudo, Joseph Marco, Albie Casiño at Maris Racal na siyang gumanap bilang batang Nora sa nasabing proyekto. Inaasahang makakalahok sa Metro Manila Film Festival 2019 ang nasabing pelikula.

Ayon kay Ate Guy ay mahuhusay pagdating sa trabaho ang mga nakasamang Kapamilya stars.

“Mababait sila at magagaling,” nakangiting pahayag ni Nora.

Samantala, isang malaking karangalan para sa aktres na naging bahagi siya ng selebrasyon ng ika-isang daang taon ng pelikulang Pilipino na ginanap kamakailan. “Masaya na nagkita-kita ang mga artista, direktor at nabigyang muli ng pagkakataon ang lahat ng mga pelikulang nagawa noong araw na masilayan muli. Labis akong nagpapasalamat dahil pagkatapos ng pagkanta-kanta (noong araw), nauwi ako sa pagiging artista. Sa lahat ng mga naging direktor, sa producers na nagbigay sa akin ng magagandang pelikula, mga direktor ko na pawang magagaling lahat. Pero meron din namang mga direktor na bago na talaga namang magaling din,” paglalahad ng Superstar. (Reports from JCC)

MARTIN DEL ROSARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with