Bff... Young JV maraming alam sa tunay na pinagdaanan ni Gerald
Bukod sa pagkanta at pag-arte ay sumabak na rin si Young JV bilang music producer. May sarili ng music label ang binata ngayon sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN. “It’s called Not So Famous ‘yung label, ako po ‘yung producer nito. Ang ginagawa po namin, nagko-cross over kami ng artists dito sa Pilipinas to Asia po like Thailand, Indonesia, Myanmar, Korea. Nag-a-abroad, nagsi-singing contest para magkaroon ng way, na gusto nating maging international.
“Wala pa po tayong platform dito sa bansa natin na puwede mag-crossover. I think ang gumagawa pa lang dito sa bansa si Inigo Pascual, KZ (Tandingan) pero mga sikat na sila. So ‘yung ginagawa po namin ngayon, itong Not So Famous, ay mag-bridge ng gap ng artists natin sa bansa to Asia.
“Makakatulong din tayo sa music industry dito, na posible pala ng collab with a Korean artist. Posible sa ibang countries,” pagbabahagi ni Young JV.
Samantala, isa ang binata sa mga malapit na kaibigan ni Gerald Anderson. Para kay Young JV ay mas maayos na ang personal na buhay ngayon ng aktor mula nang makahiwalayan si Bea Alonzo.
“Gerald po is in a better place sa buhay niya. Sabi ko sa kanya, alam mo sinisiraan ka man, binubully ka man (sa social media), dapat always positive thinking. Busy siya ngayon sa MBPL niya, sa teleserye niya. Kahit broken down, he will always find a way to pass it out. Sa akin lang, always know both sides of people. I both wish them the best. Kahit sa other party, wala po akong hatred. So payo ko lang sa cyberbullying, alam n’yo naman po sa social media, madugo, masakit magsalita minsan. Kaya sabi ko know both sides,” makahulugang paliwanag ng binata.
Diether, hindi namimilit na sumali sa coast guard
Matagal-tagal nang hindi aktibo sa show business si Diether Ocampo. Kamakailan ay napabalitang ang pagiging isang Philippine Coast Guard Auxillary Commander na ang pinagkakaabalahan ng aktor.
“It’s a personal decision. It’s something that a lot of people especially mga young Filipinos should be aware that we have a lot of responsibilities to protect and to serve our country, and make sure ‘yung ating coastal area are well protected,” nakangiting pahayag ni Diether.
Hindi raw mahikayat ng aktor ang iba pang mga kasamahang artista na subukan rin ang buhay na mayroon siya ngayon. “I won’t encourage anyone, like I said. It’s a personal decision. It should come from their own freewill, hindi ko puwedeng pangunahan ang kanilang mga plano but then again, I’m looking forward to meet new colleagues probably to join eventually,” giit ng aktor. (Reports from JCC)
- Latest