#FREELOONIE: Pagpapalaya sa Fliptop rapper na nahuli sa buy-bust trending
MANILA, Philippines — Mainit na pinagdidiskusyunan ngayon ang pagpapalaya sa rapper na si "Loonie," Marlon Peroramas sa tunay na buhay, matapos arestuhin kaugnay ng iligal na droga.
Miyerkules nang arestuhin si Peroramas, kasama ang apat na iba pa, sa isang buy-bust operation matapos diumano mahulihan ng 15 sachet ng "kush," o high-grade marijuana.
Nangyari ang raid sa isang parking lot sa Barangay Poblacion, Makati City kagabi.
Ayon sa mga pulis, tinatayang P100,000 ang halaga ng kush na nakuha sa kanila.
Pero paliwanag ni Peroramas, nandoon lang daw siya sa lugar upang bisitahin ang tagahangang maysakit, na noo'y nagdiriwang ng kaarawan.
"'Di too lahat ng paratang sa akin. 'Di po sa amin 'yan. 'Di po sa akin 'yan," sabi ng tanyag na battle rapper.
"Pumunta po kami dito para sa batang may cancer."
Number three sa Twitter trends ng Pilipinas ang #FREELOONIE habang sinusulat ang balitang ito.
LOOK: The hashtag #FREELOONIE lands at the third spot of Twitter's Philippine trends on Thursday morning. Marlon Peroramas, popularly known as Loonie in FlipTop, was arrested during a drug raid at a parking lot in Barangay Poblacion, Makati City on Wednesday evening. pic.twitter.com/F1J1G5zrn2
— The Philippine Star (@PhilippineStar) September 19, 2019
Bokalista ng bandang Stick Figgas, lubos na nakilala si Peroramas sa kulturang popular sa kanyang pagsali sa FlipTop Battle League.
Nangyari ang pag-aresto sa hip-hop superstar sa kalagitnaan ng madugong gera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte. — may mga ulat mula sa The STAR
- Latest