^

PSN Showbiz

Jean hindi nag-expect ng best actress

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Jean hindi nag-expect ng best actress

Hindi man nanalong Best Actress si Jean Garcia para sa psycho-thriller-action-drama movie na Watch Me Kill, masaya pa rin siya dahil nakapag-uwi ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) entry niya ng tatlong major awards – Best Director (Tyrone Acierto), Best Editing for Curtis Williams Forshee at Best Cinematography for Marcin Szocinski.

May international touch ang PPP movie ni Jean dahil US based ang Filipino director na si Tyrone Acierto maging ang namahala ng cinematography at editing at iba pang aspeto ng pelikula ay mga naka-base sa Amerika.

Hindi ikinakaila ng singer-actress na si Jean na isang malaking honor at challenge para sa kanya ang Watch Me Kill na isa sa sampung kalahok ng ikatlong PPP na nagsimula last September 13 at magtatapos ngayong araw ng Huwebes.

Si Jean ay kasalukuyang napapanood sa bagong simulang primetime TV series ng Kapuso Network, ang The Gift na pinangungunahan ni Alden Richards.

Angel papalitan ni Juday

Hanggang Octobr 4, 2019 na lamang mapanood ang The Ge­neral’s Daughter ni Angel Locsin dahil ito’y papalitan na ng comeback TV series ni Judy Ann Santos, ang fantasy-drama series na Starla na tatampukan din nina Raymart Santiago, Joel Torre, Joem Bascon, Enzo Pelejoro at Jana Agoncillo. Kasama rin sa serye sina Meryll Soriano, Anna Luna, Janus del Prado, Bodjie Pascua, Simon Ibarra, Katahleen Hermosa at Ms. Charo Santos-Concio.

Ang Starla ay magsisimulang mapanood sa ere on October 7, 2019 at ookupa sa time slot na iiwan ng The General’s Daughter.

Tripol… ni Coco hindi pa sure ang kapalaran sa MMFF

Marami ang umaasa na sana’y makapasok sa remaining four movies ng Magic 8 ng 2019 Metro Manila Film Festival ang pelikulang Tripol Trobol ni Coco Martin kung saan niya kasama sina AiAi delas Alas at Jennylyn Mercado na pareho na ring suki sa MMFF.

Nung isang taon ay pasok ang pelikula ni Coco sa MMFF, ang Jack Em Popoy: The PulisCredibles na pinagsamahan nila nina Vic Sotto at Maine Mendoza habang nung 2017 ay nakasali rin sa MMFF ang kanyang sariling version ng Ang Panday na siya rin mismo ang bida at director.

JEAN GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with