^

PSN Showbiz

Star system hindi pa rin nawawala sa movie industry

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Ang Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na marahil ang pinakamatagumpay ngayong taon, star studded ang sabay-sabay na ginanap na premiere nights. Ganunpaman, marami pa ring artista ang nagugulat sa pangyayaring namamayani pa rin ang star system sa ating industriya. Gaano man kaganda ang isang pelikula, kung hindi naman paborito ng manonood ang mga gumaganap na artista ay hindi ito pipilahan sa takilya. Dito pumapasok yung effectivity ng promosyon ng pelikula. Mas lamang o mas pinanonood yung mga mas nababalitaan kesa dun sa walang budget para sa promosyon. Tsk tsk tsk.

Angelica nag-produce ng concert

Pinasok na rin pala ni Angelica Panganiban ang pagpo-produce, pero hindi ng TV shows o pelikula, kung hindi isang concert na kung saan kasama niya ang mga kaibigang sina Sam Milby, John Prats at ang misis nitong si Isabel Oli.

Sa September 28, gaganapin ang Hueniverse Music Festival sa Filinvest City Events Grounds na talaga namang pinag-isipan nilang mabuti.

Tutugtog sa nasabing concert ang mga bandang Autotelic, Ransom Collective, Spongecola, Agsunta at marami pang iba.

Ang huling seryeng ginawa ni Angelica ay ang Playhouse kung saan nakatambal niya sina Zanjoe Marudo at ang ex niyang si Carlo Aquino.

Hindi naging maganda ang muling paghihiwalay ng dalawa, si Carlo nga­yon ay may iba nang GF, habang si Angelica naman ay nali-link sa pamangkin ng Barretto sisters na si Cholo Barretto. Dating kasintahan naman ito ni Ryza Cenon.

Bagong Viva artist nagpakilala sa mga Cebuano

Kinailangan pa ni Hannah Magdales, isang Viva artist na dumayo ng Cebu para lamang makilala siya ng mga Cebuano at marinig ang mga kanta niya sa radyo.

Buti na lamang at naimbitahan siyang mag-guest sa isang opening ceremonies ng Mayor’s Cup sa Talisay.

‘Di lamang siya kumakanta, kung hindi tumutugtog din ng gitara, piano, violin at drums. Ang lalo pang mas kahanga-hanga sa batang ito ay nagagawa niyang ma-maintain ang kanyang mataas na posisyon bilang governor sa kanyang paaralan sa Parañaque City.

Kathniel sumuporta sa last…

Suwerte ni Khalil Ramos to have KathNiel for friends. Dumalo ang sikat na loveteam sa premiere ng LSS (Last Song Syndrome), isang entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na pinagbibidahan nina Khalil at Gabbi Garcia kasama ang bandang Ben&Ben.

Proud si Khalil sa kanyang mga bff na sinuportahan siya sa sabay-sabay na premiere night ng entries.

PISTA NG PELIKULANG PILIPINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with