^

PSN Showbiz

Sine Sandaan pina-bongga, pinagdarasal na ‘wag ulanin!

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sine Sandaan pina-bongga, pinagdarasal na ‘wag ulanin!

MANILA, Philippines — Nakaka-excite ang magaganap na Sine Sandaan: Celebrating the Luminaries of Philippine Cinema’s 100 Years ngayong gabi sa New Frontier Theater.

Pinaghandaan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang selebrasyon ng isang dekada ng Pelikulang Pilipino kaya sana naman ay ‘wag ulanin. Nangako si tita Ethel Ramos kay FDCP Chair / CEO Liza Diño na mag-aalay siya ng dalawang dosenang itlog kay Santa Clara para ‘di umulan ngayong gabi at ma-enjoy ng lahat ang higanteng selebrasyon na ngayon lang magaganap.

Anyway, ang Dalagang Bukid ni José Nepomuceno ang kauna-unahang Tagalog film noong 1919.

Gagawing Art Deco Cinema ang New Frontier para sa Sine Sandaan bilang pagpupugay sa natirang sinehan noong Golden Age of Philippine Cinema.

Nakilala din ito noong 1930s at 1950s para sa kanilang intricate structure at ito rin ang itinuturing na simbolo ng unang pagkilala sa pelikula bilang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino.

Naging tahanan din ang New Frontier ng lokal at Hollywood movies at iba pang acts at performances at itinuturing na pinakamalaking sinehan sa Asya noong itinayo  ito nung 1965. Isa rin itong classic entertainment landmark noong 1960s sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Chair Liza, sa tulong ng Big Bulb, Inc., mapupuno ito ngayong gabi ng Art Deco aesthetics at elements ng old cinema, pati na rin ng details ng mga nakaraan at modern elements para sa once-in-a-lifetime milestone ng film industry.

Inaasahang 300 luminaries at icons ng Philippine Cinema ang makikiisa sa selebrasyon at official launch ng Centennial Year sa Sine Sandaan.

vuukle comment

SINE SANDAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with