^

PSN Showbiz

Titulong 'datu' ni Baron Geisler peke — Sultanate of Sulu, North Borneo

James Relativo - Philstar.com
Titulong 'datu' ni Baron Geisler peke — Sultanate of Sulu, North Borneo
Ayon din kay Amir Mawallil, na miyembro ng 80-kataong Bangsamoro Transition Authority, ngayon lang nila narinig ang pangalan ng nagbigay ng titulo kay Baron Geisler.
Philstar.com/Jan Milo Severo

MANILA, Philippines — Nabahala ang ilang pambansang minorya't opisyal na sultan ng Sulu at North Borneo kaugnay ng diumano'y paggawad ng titulong datu sa aktor na si Baron Geisler.

Ika-10 ng Setyembre kasi nang magdaos ng seremonya ang mga nagpakilalang "tagapagmana" ng naturang sultanato para sa pagbibigay ng honorary title kay Baron.

Na-inspire daw kasi sina "King" Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak at "Queen" Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak dahil sa panibagong "spiritual maturity" at pagbabalik ng aktor bilang role model ng kabataan.

Pero ayon kay Amir Mawallil, na miyembro ng 80-kataong Bangsamoro Transition Authority, hindi niya kilala kung sino ang mga nabanggit.

"Una sa lahat, ito ang unang beses na narinig ko ang mga pangalan ng hari't reyna na ito," ani Mawallil sa isang pahayag sa Inggles.

Hindi raw "king" at "queen" ang itinatawag nila sa mga dugong bughaw.

"'Sultan' o 'dayang-dayang' ang tawag namin sa kanila. Basic fact-checking lang ang kailangan para malaman kung totoong descendant sila," dagdag pa nila.

Ang BTA, na kinabibilangan ni Mawallil, ang mamamahala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao hanggang 2022.

'Huwag magpaloko'

Pinabulaanan din bilang peke ng Royal House of Sulu, sa ngalan ni Sultan Muedzul Lail Tan Kiram, ang pag-confer ng titulo kay Baron.

"Gustong ipabatid sa publiko ng Kamahalan na ang katatapos lang na pagbibigay ng pekeng royal title kay G. Baron Geisler, isang Pilipinong aktor, ay hindi nagmula sa lehitimong Sultan ng Sulu at North Borneo," ayon sa pahayag.

Si Kiram ay nasa "line of succession" ng mga sultan ng Sulu sa inilimbag na impormasyon ng Official Gazette. 

Wala sa inilabas na line of succession ng Gobyerno ng Pilipinas ang mga pangalan nina Abdurajak.

 

 

"Inuudyok namin ang publiko na huwag magpaloko sa mga impostor na ito," pagtatapos ng Royal Chancellery.

Aniya, nang koronahan bilang sultan ng Sulu ang kanyang ama na si Sultan Mohammad Mahakuttah Abdulla Kiram noong 1974, kinoronahan din bilang Raja Muda, o "crown prince," si Muedzul-Lail Tan Kiram.

Inilimbag din ng Official Gazette noong ika-10 ng Mayo, sa pamamagitan ng Memorandum Order 427, ang koronasyon ng kanyang ama noong ika-10 ng Mayo, taong 1974.

Giit ng Sultanato ng Sulu at North Borneo, "commoners" at hindi dugong buhaw ang mga Abdurajak.

Sabi naman ni Mawallil, importante para sa kanilang mga Tausug ang usapin ng royalty at lineage.

"Hindi basta-basta nagbibigay ng titulo ang mga Tausug kung kani-kanino, para sa anumang arason, kahit na nakaka-inspire ka ng iba," sabi ni Mawallil.

"Lalo na kung hindi sila bahagi ng komunidad namin, hindi naiintindihan ang buhay nakaranasan namin o alam man lang ang lalim ng aming kasaysayan at pakikibaka." 

Pang-regain ng karera?

Samantala, binanggit din ni Mawallil na sana'y hindi ginagamit ni Baron ang isyu para sa kanyang karera.

"[K]ung kinakasangkapan lang ito ni Baron Geisler upang maibalik ang kanyang karera sa showbiz, maling paraan ito na nagmumula sa masamang motibo," wika niya.

Kasalukuyang nasa "FPJ's Ang Probinsyano" si Baron bilang kontrabida sa teleserye nina Coco Martin.

"Gawin mo ang kailangan mong gawin, pero huwag sa ngalan ng Sulu Sultanate. Huwag sa ngalan ng aming mamamayan."

Bukas ang pahina ng PSN para sa panig ni Baron tungkol sa isyu.

AMIR MAWALLIL

BANGSAMORO TRANSITION AUTHORITY

BARON GEISLER

DATU

SULTANATE OF SULU AND NORTH BORNEO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with