Lola Igna malakas ang dating sa PPP
Ang saya ng pelikulang Lola Igna, one of the official entries sa gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino beginning Sept. 13 to 19 sa mga sinehan nationwide.
Starring sa pelikula ang character actress na si Ms. Angie Ferro na mahusay na nagampanan ang character ni Lola Igna, ang pinaka-matandang lola sa buong Pilipinas na sumikat sa kanilang baryo matapos isali sa ‘the oldest living grandmother in the world.’
Dinagsa ang kubo niya ng mga turista para maka-selfie at makatsika siya. Ginawa na rin siyang negosyo ng mga kababayan niya.
Refreshing, hindi corny at pilit ang kuwento ni lola na nakapiling ang kanyang kaapo-apohan na isang aspiring vblogger na first time niyang nakita, sa kuwento ng pelikula na dinirek ni Eduardo Roy Jr.
Riot ang isang eksena dun na nainis si Lola Igna sa mga turistang atat siyang makita. Eh naiirita na, binuhusan niya ang mga ito sa bintana.
Hahaha.
Sana kumita ang Lola Igna na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) and Rated PG by the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na na-capture ang Pinoy culture / values.
Aside from Ms. Angie Ferro starring din sa movie, sina Yves Flores, Meryll Soriano, and Maria Isabel Lopez.
Pang best actress ang acting ni Ms. Angie sa pelikula na siyempre ay pinatanda. Saktung-sakto sa kanya ang character.
Nakikilala si Ms. Angie sa pelikulang Darna at Ding, Atsay and Patayin sa Sindak si Barbara noon pa at kinabiliban din ang husay niya sa teatro, radio at TV.
And wait, hindi lang pang-lola ang movie, kundi pang-buong pamilya.
- Latest