Anjo hahataw na Kapuso
MANILA, Philippines — Ilang taon ding naging Kapamilya si Anjo Damiles bago siya naging Kapuso. Pinakilala siya noong 2014 sa ABS-CBN hit teleserye na Forevermore nina Enrique Gil and Liza Soberano. Nakasama rin siya sa Doble Kara ni Julia Montes.
Dati siyang commercial model turned actor.
Magiging bahagi siya ng bagong teleserye ng GMA-7 na Madrasta, where he will play George, Audrey’s (Arra San Agustin) ex-boyfriend, who took her for granted.
“Siguradung-sigurado ako na mapapasaya, mapapaiyak, at mapaparamdam namin ang sakit at hirap ng mga characters namin. Pinaghandaan ko rin ito sa pamamagitan ng series of workshops para mas mahasa ang talent ko,” pahayag ng actor sa press launching ng mga bagong alaga ng GMAAC.
Rice tarrification inaapela rin sa mga artista
Tama naman ang ibang followers ng mga artistang inilalaban ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity) Bill na sana ay maging aware din sila sa kalagayan ng mga magsasaka natin sa kasalukuyan.
Diumano ay malaki ang epekto ng Rice Tariffication law sa ating mga magsasaka sa kasalukuyan.
Sana rin daw tulad sa SOGIE Bill ay intindihin nila ang Rice Tarrification law at magbigay sila ng opinion at makisali sa debate.
Maingay sa social media ngayon ang SOGIE Bill matapos ang nangyari sa transwoman na si Gretchen Diez na interesado na rin sa pulitika.
- Latest