^

PSN Showbiz

Jo favorite i-piggy back ride ni Alden

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Jo favorite i-piggy back ride ni Alden
Jo

SEEN: Nag-apologize si Enchong Dee sa tourism department ng Marinduque dahil nagkamali siya sa kanyang pahayag sa presscon ng Knowledge Channel. Ikinuwento ni Enchong na nagkaroon ito ng allergic reaction nang lumangoy siya sa dagat ng Marinduque dahil sa kemikal mula sa mining company na ipinasara ng former DENR Secretary Gina Lopez. Na-offend ang mga residente ng Marinduque. Nag-demand sila ng public apology dahil mapapatunayan daw nila na malinis ang karagatan ng kanilang probinsya.

SCENE: Overwhelmed ang baguhang direktor na si Darryl Yap dahil sa mga positive review tungkol sa kanyang directorial debut, ang Jowable ng Viva Films na launching movie ni Kim Molina. Tuwang-tuwa si Darryl sa mga papuri ng Viva Films executives sa kanyang pelikula na kapupulutan ng mga aral kahit shocking ang mga dialogue ni Kim. Mga millennial ang karamihan sa fans ni Darryl dahil gustong-gusto nila ang mga hugot short film.

SEEN: Masaya ang mga executive ng GMA 7 dahil satisfied sila sa pilot week ng The Gift na pinanood nila. Ang The Gift ang primetime television series na tinatampukan ni Alden Richards at mapapanood simula sa September 16. Si Jo Berry ang gumaganap na guardian ni Alden sa The Gift. Malakas ang chemistry nina Alden at Jo sa kanilang mga eksena.

SCENE: Tuwang-tuwa ang mga nanonood ng taping ng The Gift sa tuwing nakikita nila na “naka-piggy back ride” si Jo kay Alden. Imbes na paglakarin sa kalye si Jo, isinasakay na lamang siya ni Alden sa likod nito.

vuukle comment

JO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with