^

PSN Showbiz

Verdict ni Brillante Mendoza pinuri-puri, Kristoffer wala sa hitsurang patay na

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Verdict ni Brillante Mendoza pinuri-puri, Kristoffer wala sa hitsurang patay na

MANILA, Philippines — Ang lakas ng mensahe ng pelikulang Verdict ni Raymund Ribay Gutierrez na produced ng Center Stage Productions ni 2009 Cannes Best Director Brillante Mendoza. No wonder na hanggang sa ginaganap na 76th Venice Film Festival ay tumatanggap ito ng sunod-sunod na positive film reviews mula sa top international press, tulad ng Screen Daily, the Hollywood Reporter, at Variety ayon sa online reports.

Graded A din ng Cine­ma Evaluation Board (CEB) ang crime/drama movie na pinagbibidahan nina Max Eigenmann, ang yumaong aktor na si Kristoffer King, Jorden Suan, at Rene Duria na sinusundan ang isang domestic violence case sa isang legal process.

Ordinaryong problema ng mag-asawa pero in the end mare-realize mo na hindi pala lahat ng justice ay nakukuha inside the court room.

Kasama rin ang Verdict sa gagana­ping Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na mag-uumpisang mapanood sa Sept. 13 to 19 in theaters nationwide.

Anyway, parehong magaling sa movie sina Max at Kristoffer na namatay last February dahil sa diabetic hanggang nagkaroon ng heart failure.

Ang husay niya palang aktor pero nang sumakabilang buhay ang sabi ay walang naiwan sa pamilya.

BRILLANTE MENDOZA

RAYMUND RIBAY GUTIERREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with