^

PSN Showbiz

Ryle hindi ma-adopt ng stepdad!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ryle hindi ma-adopt ng stepdad!

Since 7-year old pala si Ryle Santiago ay gustung-gusto na ng kanyang stepdad na si Cris Tan na i-adopt ang anak ng wife niyang si Sherilyn Reyes, pero hindi pumapayag ang ama nitong si Junjun Santiago na kapatid nina Rowell and Randy Santiago.

Kaya naman nanatiling Santiago ang apelyido ng young actor na member ng Hashtags at nag-renew ng contract as ambassador ng Cherub baby care products ng Megasoft yesterder kasama ang kanyang stepdad.

Kahit si Ryle ay gusto na raw niyang maging Tan legally dahil real father na ang turing niya sa basketbolista na assistant coach na ngayon pero ito na mismo ang nag-advice na ok lang na Santiago siya lalo na nga’t nagkakaroon ng confusion pag ginawa pa niyang Tan.

Kuwento kasi ni Ryle, since lahat ng legal documents niya ay Ryle Santiago, nag-decide sana siyang gamitin ang Tan sa showbiz name niya.

Pero nagkaroon nga ng kalituhan kaya si Cris na ang nag-advice na Santiago na lang all the way ang gamitin ng young actor para nga ‘wag nang magkalituhan.

Anyway, nagkaroon nga ng presscon yesterday para sa renewal ni Ryle as Cherub Baby Care Brand Ambassador with Ms. Aileen Choi-Go, VP for Sales and Marketing ng Megasoft Hygienic Products.

Almost two years na ring endorser ng Cherub si Ryle at so far maganda ang response ng buyers sa kanya.

Ayon nga kay Ms. Aileen, bagay sa kanilang produkto si Ryle dahil sa character nitong laging happy, optimistic at perky na nire-represent ng kanilang baby wipes, cologne, sabon at iba pa.

Short filmfest entries ng Get Reel nag-uwi ng cash prizes

Winner na winner ang Walang Hanggang Ligaya Sa Una Mong Ngiti  ni Dylan Ray Talon sa ginanap na awarding ceremony ng short film festival na Get Reel Mobile Shorts Film Festival 2019 na presented ng McJim Classic Leather.

Pitong relatable, inspiring and heart-rending mobile short entries gamit ang kanilang smartphones ang naglaban-laban para sa nasabing kumpetisyon.

Sumunod naman nag-uwi ng pinaka-maraming award ang May Love Life Na Si Pepito Jr. na gawa ni James Edward Golla.

Ang Walang Hanggang Ligaya Sa Una Mong Ngiti ang nanalo ng festival grand prize, ang McJim Prize for Best Mobile Short Film, na nag-uwi ng P50,000.

Ito rin ang nanalo ng Best Director worth P25,000 at Best in Cinematography, worth P10,000.

Ang May Love Life Na Si Pepito Jr. naman ay nagwagi ng Best Screenplay and Best Comedy, na may premyong worth P20,000 and P25,000 respectively.

Ang Pitaka ni Mark Jason Sucgang ay nanalo naman ng P25,000 para sa Get Reel Viral Shorts Award; Champion ni John Carlo Balasbas Tarobal ay nanalo ng P10,000 for Best Inspirational Story at ang Kabilin ni Roy Robert  na nag-uwi ng P25,000 para sa Best Drama.

Namili rin ang mga hurado ng acting citations for actors and actresses sa mga kasaling short films.

Ang citations ay pinagkaloob kina Russel Ian Paguia ng May Lovelife Na Si Pepito Jr.; Jorrybell Agoto ng Walang Hanggang Ligaya Sa Una Mong Ngiti; Jonathan Oraño para sa Pitaka; Marialyn Tamarra para sa Cotard Syndrome; Philip Carlo Ty and King Richard Visto para sa Kabilin at kina James Lohoman, Shawn Villete and Carlo Tarobal para sa Champion. 

Naisipan ng McJim Classic ang Get Reel... para magkaroon ng pagkakataon ang mga aspiring filmmaker na palawakin ang mga makabuluhang at napapanahong mensahe gamit ang kanilang mga cellphone kabahagi ang McJim leather products like bags, belts, and wallets.

Ginanap na ang seremonyas last Friday sa Cinema 1, Fisher Mall.

Batang nasa Bantay Bata, naghahanap ng scholarship grant

Walong taon nang naninirahan sa lansangan si Jasmine Tabuan at walo nitong kapatid. Kaya naman nang mapadpad siya sa Bantay Bata 163 Children’s Village, nakahanap siya ng paraiso.

“Minsan po ‘yong mga kaibigan ko po, pinapatulog po ako sa mga bahay nila, tapos sinasama ko po ‘yung kapatid ko na maliit,” pagbabahagi ng dalaga.

Ngunit ang makapag-aral ang tangi niyang pangarap.

“Sabi ko nga po sa Papa ko, ‘Saka n’yo na ako kunin kapag nagpasundo na po ako. Kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral,’” dagdag ni Jasmine.

Sa kasalukyan, naghahanap ng scholarship grant ang Bantay Bata 163 para kay Jasmine.

Ang tatay nitong si Lope na binubuhay ang pamilya sa pagtra-tricylce ay nahihirapan mabigyan ang pamilya ng isang tahanan. Isang local barangay staff ang tumutulong sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development, may 250,000 na batang tumitira sa mga lansangan ng Metro Manila.

Simula nang itinatag ng yumaong ABS-CBN Foundation founder na si Gina Lopez ang Bantay Bata 163 noong 1997, layunin nito ang mabigyan ang mga inabuso at inabandonang bata ng maayos at masayang tirahan. Lumawak na din ang serbisyo ng naturang social welfare program sa apat na sangay – Bantay Proteksyon, Bantay Edukasyon, Bantay Kalusugan, at Bantay Pamilya.

Sa nalalapit na ABS-CBN Ball na mangyayari ngayong Setyembre 14, ang mga kagaya ni Jasmine ay mabibigyan pang-asa sa Bantay Edukas­yon, ang tanging beneficiary ng nasabing event.

Samantala, maraming naniniwala na deserving si Ms. Gina na pagkalooban ng Papal Awards sa rami nang mga naiwan niyang project para sa kalikasan at sa mga nangangailangan. Ang Papal Awards na pinagkakaloob ng Pope. Though miyembro si Ms. Gina ng Ananda Marga.

RYLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with